"Mahal kita Edward, hanggang sa huli. Hanggang magunaw ang mundo hinding hindi kita iiwan. Pangako ko yan sa iyo. Mahal na mahal kita aking Edward"
"Mariel? Mariel!! Sandali lang!! Wag mo kong iwan!!"
"Mariel!!!!"
Nagising ako bigla sa kalagitnaan ng gabi. Bakit nasa sofa ako? Bakit ako nag iisa?
Bigla kong hinanap si Mariel sa loob ng bahay. Nataranta ako. Nasaan kaya siya? Nasaan si Mariel?
"Mariel!"
Sigaw kong muli ng mapansin kong may ilaw sa loob ng aking kwarto. Kinatok ko ito pero bukas pala. Pumasok na ako at doon ko na nakita si Mariel na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.
Napayuko ako at napaiyak. Labis akong kinabahan baka mawala na naman siya ulit sa aking piling. Napaluhod ako at hinimas ang ulo ni Mariel.
"Mahal, andito lang ako. Wag kang mag alala walang mananakit sayo dito"
Nagising si Mariel. Narinig yatang umiiyak ako sa tabi niya.
"Ed? Bakit? Anong nangyari sayo?"
"Wala to mahal, masaya lang ako na andito kana sa piling ko", pinahid ko ang mga luha ko.
May takot sa mga mata ni Mariel.
"Mahal? Bakit?"
"A-anong mahal? Edward? Anong nangyayari sayo?", bigla siyang tumayo na para bang naguguluhan.
"Mahal ako ito si Edward"
"Ed ano bang nangyayari sayo? Tinatakot mo ako", pagpipiglas niya sa mga hawak ko.
"Mahal bakit ka natatakot sa akin? Ako to si Edward?"
"Bakit mo ba ako tinatawag ng ganyan? Edward gumising ka nga!"
"Mariel si Edward to, di mo ba ako nakikilala? Mahal ako ito"
"Please Ed tinatakot mo naman ako eh, ano bang nangyayari sayo? Sino si Mariel?", pagpipiglas niya sa yakap ko.
"Mariel ano ba? Si Edward to. Mahal ako ito"
Nang hahalikan ko na sana siya ay sinampal niya ako ng malakas na siyang nagpabalik sa aking ulirat.
"Paktay! Sorry Ed. Sorry. Sorry"
Si Maymay pala yun, nakasandal siya sa may dingding ng kwarto ko na parang takot na takot sa akin.
"I'm..sorry Ed. Sorry sinampal kita.."
Napalayo ang distansya ko sa kanya. Napaatras ako sa babaeng inakala kong si Mariel.
"Akala ko talaga si Mariel ka May", napakamot ako sa ulo ko. I was frustrated.
"Sino ba si Mariel?", nasa distansya parin si Maymay.
"Mayroon ka bang nakikita na di ko nakikita Ed? Kasi tinakot mo ako doon"
"W-wala May.. sorry.. akala ko lang kasi.."
"Sino ba si Mariel Ed? At bakit mo ako tinatawag na mahal?", unti unting lapit ni Maymay sa akin na pinauupo niya.
"I'm sorry wala yun May matulog ka nalang ulit.. please"
"Ano bang nangyari sa iyo Ed? Nanaginip ka ba?"
"Masamang bangongot lang May, sige na matulig ka na ulit. I'm really sorry May"
Hindi na siya nagtanong pa ulit. Iniwan ko na siya sa kwarto ko at hinayaang matulog nalang ulit.
*****
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...