DIECISIETE.

507 60 39
                                    

"Mommy! Please! Let me go! Daddy! A-Abuela! Please.."

I was in so much pain, emotionally nang pagkagising ko ay nakatali pa rin ako sa kama. I was swallowing my pride and begged them to let me go.

My cries are muffled by the thick walls of this room pero sinikap ko talagang marinig lang nila ang pagsusumamo ko.

Oo nga at takot na silang mawala pa ako at lalo pang lumala ang sakit ko, pero parang mas lalo pa akong pinanghinaan ng loob ng gawin nila akong parang preso.

"A-Abuela please..", umiiyak na ako sa pagsusumamo. But still, walang tumulong sa akin.

Ano na kaya ang nangyari kay Edward matapos ang dalawang araw na hindi ako umuwi sa bahay niya? Okay lang ba siya dun? Buhay pa ba siya? Iniisip ba niya na iniwan ko na siya at galit ako sa kanya?

Oh God please, please let loose of these ties and bring me back to Edward's place. Please.

Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mommy at isang doctor.

"Anak, si doc Gilmore, siya ang bago mong kaibigan na mag aalaga sayo dito sa bahay. Ahm, actually kinunan ka na niya ng blood sample nung natutulog ka. Okay daw lahat ng mga tests mo", masayang ibinalita ni mommy sa akin.

"Actually you really need so much rest Marydale. Masyado ka yatang napagod sa pagkawala mo at masyado mo ring ginutom ang sarili mo", payo ng doktor na wala naman talagang concern sa akin.

"Masyadong ginutom?! Mommy, ni minsan di ako ginutom ni Ed! Lage niya akong pinapakain at inaalagaan niya akong mabuti!", I protested dahil mali-mali naman ang bintang ng doktor sa akin.

"Anak, you should listen to Gilmore okay?"

"Para ano pa mommy? Whether I listen or not, I'm still tied up", naghuhurumentado kong sagot sa kanilang dalawa.

"Just stay calm Marydale, you need to rest so that you regain your strength"

"Just.. get out..", mataray kong sagot sa doktor. Di ko man sinadya pero naiirita ako sa presensya nila sa harap ko.

Ayokong masaktan ang mga magulang ko dahil sa katigasan ng ulo ko, pero naman, ako ang nasasaktan sa sitwasyon ko ngayon.

Iniwan na muna nila ako at hinayaan sa kwarto. Pati ang nurse ay pinalabas na muna nila para makapag break.

Gustong gusto ko na talaga makita si Edward. Sobra na akong nag aalala para sa kanya. Please wag naman sana. Wala sanang nangyari sa kanyang masama.

"Psst"

Napigil ang pag dradrama ko ng biglang marinig ko na naman ang sitsit ng matandang lalaki. Ewan ko ba, imbis na matakot ako ay parang natuwa pa ako ng marinig ko yun.

Nasa loob ng closet siya, nakatayo at di masyadong malinaw sa paningin ko.

"Lolo, kung sino ka man, sana matulungan mo ako"

Hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya sa loob ng closet at tahimik na nagmamasid.

"Lolo, okay lang po ba si Edward dun sa bahay niya? Wala ba siyang ginagawang masama sa sarili niya?"

Para na talaga akong baliw na kinakausap ang closet na nakaharap sa kanya.

Nang biglang pumasok si Abuela. Nahinto ako sa pagkausap sa matandang lalaki.

"Apo? Who were you talking to?"

Umupo si Abuela sa tabi ko na nakatalikod sa may closet at taimtim na nakatitig sa kalagayan ko. She was holding my hand so dearly and was kissing it, weeping her eyes filled with tears.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon