"Wow, grabe ang ganda naman dito Edong", napamangha ako sa tanawin na nakikita ng mga mata ko ngayon.
Dinala kami ni Edong sa isang lugar na tahimik at may over looking ng buong kamaynilaan. Isang bakanteng parke sa may ibabaw ng bundok.
"Sana masaya ka ngayon May", pangiting sabi ni Edong na nakatitig yata sa akin.
"Ang korny naman dito", biglang satsat ni Edward na nasa gilid lang ng sasakyan at parang wala pa rin sa mood niya.
Sinitsitan ko siya at sumenyas na wag maging negatron.
"Wag mo nalang siyang pansinin Edong ha, kj lang talaga yan si Edward"
"Ha? Bakit?"
Buti nalang at medyo marunong umisnob tong si Edong sa lahat na pinagsasabi ni Edward sa kanya.
"Buti nalang at di ka pikon", patawa kong sagut kay Edong.
"Alam mo naman pag ikaw ang kasama ko May di ako madaling ma bad trip", patawa naman niyang sagot sa akin.
"Ang korny na talaga! Doon na nga lang muna ako", palayong sabi ni Edward na wari nagtatampo.
Ano ba kasing problema nun? May regla yata kaya ang sungit niya ngayon.
"So May? kailan ba ang balak mong bumalik sa bahay niyo?", tanong ni Edong na biglang naging seryoso.
"Ahm, ayoko munang bumalik ngayon Edong. Alam mo naman, pag bumalik ako ngayon siguradong sa ospital ulit ang bagsak ko. Alam mo ba kung gaano kalungkot dun mag isa?!"
"May kung gusto mo naman, ako ang magbabantay sa iyo palagi doon eh"
"Edong, di mo gets eh. Ayoko nang bumalik dun, ayoko na!", medyo naiirita kong sagot sa kanya.
"May, di mo rin kasi gets eh. Nag aalala kami sayo. Kaming lahat. Lalong lalo na ang mommy at daddy mo"
"Bakit dong? Nag alala ba sila sa akin sa loob ng six months na di nila ako pinupuntahan sa ospital?"
"May.."
"Hindi eh! Wala sila sa tabi ko palagi! And it's such a lame excuse para sabihin nilang ayaw lang nila makita ang anak nila na mamamatay na!"
"May please..", hinawakan na ako ni Edong sa may braso na may halong paglalambing.
"Makinig ka muna sa sasabihin ko, nag aalala kami sa iyo. At di ko to sinasabi sayo dahil may obligasyon akong bantayan ka. Sinasabi ko to ngayon sayo kasi kaibigan mo akong matalik at kababata kita. May, mahal kita.."
"Ha?!"
"I mean.. haha.. mahal ka naming lahat. Kaya naman nag aalala kami ng todo para sayo. Ayokong makompermiso ang kalagayan mo ngayon lalo na at di ko pa masyadong kilala ang nag aalaga sayo"
Seryoso ang mga titig ni Edong sa akin. Nangungusap na mga tingin. Nakikiusap na bumalik na ako sa bahay at magpagamot na ulit.
"Di mo talaga maintindihan dong no? Malapit na akong mamatay. Gusto ko man lang masulit tong mga huling araw ko sa mundo"
"Pero May.."
"No. Dong, gusto kong maging malaya sa mga huling araw ko. Gusto kong maging masaya man lang ang mga huling memorya ko sa mundo. At si Edward? Inaalagaan niya akong mabuti. Just give him time, mabait siya sa akin at hindi niya ako pinapabayaan"
Umalis ako sa kinauupuan ko at iniwan ko sandali si Edong. Para kasi akong nainis sa pangungulit niya na pabalikin ako sa bahay at ospital.
"May saan ka ba pupunta? Dito ka lang"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...