VEINTISIETE.

469 55 14
                                    

*Abuelito - great granddad 💜


(Maymay's POV)

Nanaginip ako.

Nagising nalang ako bigla na walang tao sa paligid ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako, o kung saan ako papunta.

Basta naglalakad lang daw ako sa isang napakalawak na desyerto.

Wala akong ibang makita. Walang puno. Walang mga hayop. Walang tao.

Ako lang ang nag iisang nandun. Naglalakad sa kawalan.

"Hello?"

Sinubukan kong sumigaw baka kasi may makarinig at makahanap sa akin.

"Mommy! Daddy!"

Wala talagang sumagot. Yung init ng araw na tumatagos sa mga buto ko ang patunay na malayo ako sa amin.

Tapos napapikit ako ng isang saglit at pagkagising ko ay nasa bahay ako.

Nasa hapag kainan raw kaming lahat.

Ang mga magulang ko, si Abuela at Edong. Nakapaligid sila sa akin pero hindi nila ako nakikita, o kahit naririnig.

Nagtatawanan sila. Nagkakasiyahan na para bang hindi na nila ako hinahanap. Ni hindi nila ako tinignan man lang. Parang nawala na ako sa piling nila at ayos lang yun sa kanila.

Nalungkot ako. Bigla na naman akong napapikit at nang idilat ko ang mga mata ko ay nasa gitna ako ng malawak na nyebe.

"Snow?"

Bulong ko sa sarili kong hindi pa nakakahawak ng snow sa buong buhay ko.

"Nasaan ba talaga ako?", sobrang lungkot ang naramdaman ko.

Nag-iisa lang akong naglalakad sa gitna ng lamig. Naka hospital gown lang ako at nakapaa lang.

"Edong! Edward!"

Wala sa kanila ang sumagot. Naiiyak na ako, hindi ko kasi maiintindihan kung nasaan ba talaga ako at kung bakit ako nag-iisa.

"Lord, please..",bulong ko habang nakapikit sa ginaw na nararamdaman.

Nang imulat ko muli ang aking mga mata ay nasa ibabaw na ako ng isang matayog na building.

Tanaw ko ang lahat mula sa kinatatayuan ko.

Sa tayog nang building kung saan nakatayo ako sa tuktok nito ay hindi ko na naramdamang malungkot ako.

Biglang nawala ang lumbay, ang pait, ang sakit.

Para bang literal na "high" ang pakiramdam ko, para bang tinatawag ako dun sa ibaba at hinahamong tumalon at makiisa sa lupa.

Isang hakbang.

Dalawa.

Tatlo.

I was on the edge of the building. I was really tempted to jump off and finish all of these.

Idinipa ko ang dalawa kong bisig at nilasap ang malakas na hangin na para bang nag aakmang lilipad ako anumang oras.

"Kung ito ang kalayaang naghihintay sa akin, sino bang sasagip sa akin kung sakali?"

Bulong ko sa sariling nakapikit at hinintay na magkalakas loob na tumalon at tapusin na ang lahat ng paghihirap na dala-dala ko pala all this time.

Masaya naman na ang pamilya ko, tanggap na nila. Pinapalaya na nila ako, siguro oras na para magpaalam na ako.

Nakapikit at handa na ang aking kaloobang wakasan na ang lahat.

What's the point of living if I'm already alone?

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon