DOS.

778 75 12
                                    

"Wow..."

"Ano? Ngayon ka lang nakakita ng araw at ulap?", tanong ko kay Maymay na parang asong inilabas ang kanyang ulo sa bintana ng kotse niya.

"At pwede ba mag concentrate ka sa pagmamaniho? Mababangga tayo eh!"

"Bakit kasi hindi ikaw ang mag drive Ed? Ang senyorito mo!"

"Gusto mong ako ang mag drive? Baka pag gising mo purgatoryo na ang labas natin", nakangisi kong sagot sa kanya.

"Wag nalang pala. Suicidal ka nga pala"

"Ano ba kasing nangyari sayo at parang naiignorante ka sa mundo?", tanong ko sa babaeng parang naninibago sa kanyang paligid.

"Three years", ngumisi siya sa akin.

"Ha? Anong three years?"

"Three years nga!"

"Baliw ka talaga, ano nga ang meron sa three years na sinasabi mo??"

"Ah nakikiusyuso ka na? Chismoso ka rin ano?"

"Hindi ako chismoso. You do realize you're a stranger and that I need some data from you?"

"Oh.. I see.."

"So ano nga Maymay? Magkwento ka na"

"Saan muna ang bahay mo? Gutom na kasi ako eh"

"Ang takaw mo naman! Diba nag snack ka na?"

"Kulang pa yon eh, tsaka out of town natong pupuntahan natin oh. Malayo pa ba ang bahay mo?"

"Malapit na. Magtiis ka na muna."

"Hoy Edward wag mo akong papatayin sa gutom ha indecent kaya ang mamatay sa hunger"

"Oo na oo na ang daldal naman eh. Ang ingay ingay! Malapit na nga tayo"

"Ay tsaka gusto ko ng mainit na tsokolate ha. Ipagtimpla mo ako"

"Ano mo ba ako? Boy? Alipin? Alila?"

"Ano pa? Baka meron pang ibang terms aside sa mga sinabi mo?", natatawa niyang sagot sa akin.

"Ewan ko sayo. Ikanan mo. Nandito na tayo"

Huminto na kami sa kung saan nakatayo ang maganda kong bahay.

"Wow. Ang luma na ha"

"May sinasabi ka May?", naiinis kong tanong sa kanya.

"Sabi ko ang luma na. At literal na cabin house ha? Nasa gitna ng gubat? Meron pa palang ganito ngayon??"

"Gusto mo umalis nalang ha?"

"Ikaw naman Ed di ka na mabiro. You're so handsome pa naman pero pikunin! Halika na let's enter into your beautiful but old home"

"Baliw! Argh! Bakit ko ba kasi sinama tong babaeng to!"

"In fairness dito sa loob super cozy! Ang ganda at ang bango ng paligid! Maayos ka sa gamit ha"

"Critic ka ba? Dami mong satsat eh!"

"So where's my hot choco?"

*****

"Oh? Nakaligo ka na pala Ed, ahm ako? Nasaan na ang mga damit ko?"

"Anong mga damit mo? Wala ka palang extra dun sa kotse mo?"

"May biglaan bang tumatakas na nagdadala ng damit?"

"Baka naman kasi nag ready ka na? Alam mo na, emergency baggage?"

"Ay, meron bang ganun?"

"Ay! Ano ba naman yan! Sandali, kukuha ako ng pepwede sayo. At yang suot mong hospital gown at turtleneck na sweater lalabhan ko na rin. Baka may masabi ka pa sa akin eh!"

"Wow ang sweet mo naman. Salamat Ed!"

"Tandaan mo di to libre lahat Maymay.."

"Alam ko. Kaya nga hanggang andito ako ay mabubuhay ka pa rin. Ayos ba?"

"Naku naman! Asungot!"

Matapos maligo ng senyorita ay pinahiram ko na muna siya ng mga luma kong pajama at pinaghanda siya ng makakain. Di ko alam kung bakit pero nararamdaman kong dapat ko tong gawin para sa kanya.

"Wow ang sarap naman tinola!"

"Alam mo ikaw puro ka nalang wow. Ano bang meron? Saang dekada ka ba galing?", sarcastic kong tanong sa babaeng ang takaw kumain.

"Siguro naman pwede ka ng magkwento ano Maymay?"

"Ngayon naba dapat? Kumakain pa ako eh?"

"Ngayon na."

"Actually, tumakas ako sa ospital kasi nakapatay ako ng nurse",tumigil siya sa pagkain at sumeryoso ang tingin sa akin.

Napalunok ako. Para bang bigla akong kinabahan sa sinabi niya sa akin. Hanggang sa binasag ng napakalakas niyang tawa ang katahimikan naming dalawa.

I was confused. Is she telling the truth or just bluffing?

"You should see your face Ed! Bigla kang namutla hahahha!"

"Wag ka ngang magbiro! Magkwento ka na o di na kita aabutan nitong tinola!"

"Ito naman so pikon"

"Oh dali na!"

"Kasi naman eh may pa kwento kwento pang nalalaman"

"Are you going to tell me or not?!"

"Oo na. Hayy.. pasyente naman talaga ako dun sa ospital"

"Kita mo na, mental patient ka ano?", natatawa kong komentaryo sa kanya.

"Cancer"

Napahinto ako.

"Ha?", hinintay kong tumawa siya kasi for sure nagbubluff nanaman to.

"Three years ago na diagnose ako ng cerebellar lymphoma"

Hinihintay ko parin ang pag tawa niya ng malakas.

"Ang stereotype ano? Babaeng may cancer sa utak? Usong-uso"

Tumawa siya. Pero iba. Hindi nga siya nagbibiro.

"Hindi ka naniniwala ano? Oo totoo. Stage three. And for the last three years wala akong ibang nakita kundi ang bubong ng ospital na yun. Araw araw na gamutan. Mga gamot na nakakasuka. Mga gamot na di naman talaga nagtatanggal ng sakit na nararamdaman ko. Mga gamot na ayoko ng tiisin"

"Pe..pero yung buhok mo?"

"Maganda at mahaba parin diba? Kasi six months na akong hindi nag papachemo.", she proudly said.

"Aren't you afraid to die?"

"Who? Me? Well, parents ko nga eh six months na rin nila akong tinitiis na di makita. Kasi raw takot sila makitang mahina ang anak nilang maganda. Para na nga silang nagpra practice na wala na ako eh. So balik sa tanong mo, oo takot akong mamatay", ngumisi siya sa akin.

"Bakit ka tumakas?"

"Hala oy di man nakikinig sa akin! Kasi nga ayoko na doon sa loob. Ayoko ng gamutin pa nila pero parang wala namang nangyayari. The waiting game sucks you know?", she smiled again.

Siguro nahalata niya ang nakakunot kong noo at bigla siyang tumayo sa harap ko.

"You wanted to die and I'm dying, so we're perfect for each other. A little balance and complimentary for each other diba? Baka kasi yan yung next question mo. Inunahan na kita"

"Unfair ba para sayo yung gagawin ko sana?", bigla kong naisip itanong.

"Palagay mo? Bakit kita pinigilan sa pagtalon? At ano bang meron sa ospital na yun at yun ang pinili mong lugar para pakamatayan?"

"Wala lang. Para kasing yun ang pinakamalungkot na lugar na nakita ko eh"

"Yun lang? Walang ibang rason?"

"Ewan, siguro para na rin pagtagpuin tayo"

"Ang feeling mo naman. Lakas maka destiny neto", nakangisi nyang sagut.

"Bakit? Hindi ba to destiny?"

"Bakit? Gusto mo ba?

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon