"Hoy Ed ano ka ba?? Pumatong ka na nga!"
"Ayoko nga May, hindi ako mahilig dyan kahit noon pa!"
"Ang arte arte mo naman parang papatong lang eh! Ano? Papabayaan mo nalang ako dito sa baba? Paaasahin mo nalang ba ako? Alam mo bang sabik ko nang gawin to?!"
"Ayoko nga pumatong dyan! Masakit yan!"
"Oh c'mmon you chicken nugget! Hindi to masakit okay?. Hindi ka masasaktan promise dadahan dahanin natin promise!"
"Ayoko nga! Maalog!"
"Ang kj mo talaga!"
Ang Seesaw. Bow.
Oo. Matagal na akong hindi nakakapag laro sa seesaw at napipikon na ako kay Edward kasi ayaw niyang makipaglaro sa akin at pagbigyan ang mga childish kong hiling sa kanya.
Tahimik pa ang park. Siguro kasi kalagitnaan palang naman ng umaga at wala pang masyadong mga batang naglalaro sa paligid namin.
"Please Ed! Sumakay ka na!"
"Ano bang makukuha mo sa pag se-seesaw mo ha? Ang kulit eh!"
"Please. Matagal na akong di nakakapaglaro nito! Makisama ka naman!"
"Wow ha! Isip bata ka talaga May! Ang weird ng mga nasa bucket list mo ha!"
Pinagtatawanan tuloy ako ng isang bata na napadaan sa harapan namin. Siguro naiisip niya nababaliw na ako sa kakarequest na mag seesaw.
"Sayang naman tong bagong outfit ko kung di ako mag eenjoy dito sa park eh!", sumimangot na ako.
"May, ayoko talaga sa seesaw. Baka mahulog lang ako!"
"Wow! Sa lahat ng suicidal ikaw lang ang takot mabagok ha! At tsaka wag kang mag alala sasaluhin naman kita eh!", I winked at him like a silly little girl.
"Ayoko. Period. At tsaka sayang ang bago mong mong outfit kung sa seesaw palang eh madudumihan na. At bakit nga pala napaka exposed ng mukha mo? Baka may makakita at may makakilala sayo dito!"
"Oy concern si kuya! Ang sabihin mo nagagandahan ka sa akin ano? I don't look like dying right? I look fresh right?", ngumisi ako sa kanya sabay taas-baba ng kilay ko at inaasar siya.
"Hay! Ang feeling mo talaga!"
"Aysuss. Eme ka pa dyan! It's the truth you know and your eyes can't hide it!"
Napatahimik si Ed. Napakamot sa ulo at tumalikod. Nahiya yata sa mga sinabi ko.
"Pwede ba umalis ka na dyan sa seesaw wala namang mangyayari sayo dyan eh"
"Ang kj mo! Gwapo sana kj lang! Sus na!"
Umalis na ako sa kinalagyan ng seesaw. Naglakad nalang muna kami sa park ni Ed. Tahimik kaming dalawa na naglalakad ng makita ko ang isang monkey bars ba yun o kung anumang tawag sa bars na yun na kung saan pwede kang mag arm swinging.
I felt excited seeing the things that reminded me of a normal childhood at naisip kong gawin ulit yun.
"Ano na naman ang gagawin mo?!"
"Mag se-swing! Ano pa ba ang ibang gagawin dyan? Tititigan ko lang??"
Napakamot ulit ng ulo si Ed at hinayaan nalang niya ako.
"Wag kang mahuhulog Maymay ha! Ang clumsy mo pa naman!"
"Wow. Talaga bang clumsy ako o concern ka lang sa akin boy?", iniharap ko ang mukha kong nakangisi sa kanya at napansin kong siya ngayon ay namumula.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...