VEINTINUEVE.

554 57 11
                                    

"Are you sure ayaw mo akong sumama sayo sa loob May?"

Nag-aalalang tanong ni Edong sa akin na kanina pa nakahawak sa kamay ko habang nakahiga ako sa stretcher.

"Sure ka bang gusto mong sumama sa loob ng MRI machine?", nakangisi kong sagot sa inosenteng mukha ni Edong.

"Eh kung kasya naman ako dun bakit hindi", pakamot ulo niyang sagut.

Natawa ako sa pagiging cute niya. Lahat yata ng mga check up ko kasama ko lagi si Edong.

Kulang nalang, pati siya magpa check up na rin.

"Kita nalang tayo mamaya Dong", nagpaalam ako sa kanya habang pinapasok na ako sa MRI room.

"Maghihintay ako sayo", he mouthed.

Kumaway lang siya at nakangiti sa akin.

Mahabang oras ang ginogol kp sa loob ng MRI machine. At sa haba ng oras na yun ay nakatulog ako ng mahimbing.

"Maymay!"

Napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Edward? Abuela!"

Nagyakapan kaming tatlo sa sobrang pangungulila at sa sobrang saya.

"Kamusta ka na May?", usisa ni Edward sabay kurot sa pisngi ko.

"Ayos lang ako", napangiti ako sa kanya.

"Kumakain ka ba ng maayos Marydale?", usisa ni Abuela na inayos ang aking buhok.

"Opo Abuela, hindi ko po pinapabayaan ang sarili ko"

Matagal ko silang tinitigan. Labis ang pagkamiss ko sa kanilang dalawa.

"Namimiss na kita Abuela"

Pinahid niya ang mga luha ko at ngumiti sa akin.

"May sorpresa kami sayo apo", siniko niya si Edward na halatang natutuwang nakatitig sa amin ni Abuela.

"Edward sabihin mo na kung anong sorpresa natin", senyas ni Abuela sa kanya.

"Ano po ba yun Abuela?"

"Maymay, mahal na mahal ka namin ni Mariel. Kaya may hiniling kami sa diyos para sayo", ngumiti si Edward sa akin.

"Ha? Ano ba yun Ed?"

Kumaway sila sa akin at nawala.

Bigla akong nagising na tapos na pala ang MRI ko.

Agad naman akong inilabas sa imaging room at pinagbihis na.

Nagpunta na kaagad kami sa clinic ng doktor na titingin sa resulta ng lahat ng mga laboratories ko at pati sa MRI result ko.

Si mommy, daddy, Edong at ako ay hinahanda ang mga sarili namin sa update sa kalusugan ko.

"Ah doc? What's the delay?", naiiritang tanong ng daddy ko sa doctor na kanina pa yata binabasa ang mga results.

"Doc? Ano na po ang update niyo?", pangungulit ng mommy ko na kanina pang atat malaman ang mga resulta.

"Mommy, daddy, hayaan niyo na muna si doc", sabat ko.

Habang pasimple namang ginagapos ni Edong ang kamay niya sa kamay ko.

Kumindat siya sa akin at nginitian ako. Kahit papaano ay kumalma ang pakiramdam ko.

"I'm really sorry for the delay ha, pero the results are very.."

"Ano po yun doc? Very?", sabat ni mommy na di na makapaghintay.

"They're all very positive!"

A look of disbelief in all of our faces na para bang na-bluff nung time na yun.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon