VEINTIOCHO.

490 53 21
                                    

Isang nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa pagmulat ko ng aking mga mata.

Maingay ang paligid. Maraming nagkagulo.

Hindi ko maulinigan ang mga mukha sa paligid ko. They were all blurry faces and faded voices.

Makailang ulit ko pang kinurap ang aking mga mata para maging malinaw ang mga mukha nila.

May nagtanggal ng tubo ko sa ilong at bibig ko.

Inangat nila ng dahan-dahan ang higaan ko at inayos ang uluhan ko.

Mabigat pa ang mga mata ko na para bang pagod na pagod dahil sa isang mahabang pagkakatulog.

"A-Anak? Gising ka na.."

Umiiyak ang lahat ng tao sa paligid ko. Lahat sila nagsasabing isang himala ang nangyari sa akin.

Wala pa akong kibo masyado dahil parang naninibago pa ako sa paligid ko.

Sinuri ako ng doctor. Kinunan ng dugo para ipa test umano, at sinilip ang aking mga mata.

"You are really a God's gift Marydale, after almost two weeks of coma nagising ka na", masayang tugon ng doctor na para bang naiiyak rin sa na accomplish niyang kaso.

"Anak.. akala namin wala ka na..", tugon ng mommy at daddy na pawang umiiyak sa tuwa.

Niyakap nila ako ng mahigpit at hinalikan ng napakadaming beses.

"Si..Abuela..?"

Agad naman yumakap sa akin ang Abuela na namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.

"Tinupad nga ni Edward ang pangako niya sa akin, ibinalik ka niya sa amin apo!"

Matagal bago ako pinakawalan ng Abuela sa pagkakayakap sa akin. Hinalikan niya rin ako ng paulit ulit at tumawa sa sobrang saya.

"Hi May.."

Isang pamilyar na mukha.

Agad namang lumapit si Edong sa akin, umupo sa kama at niyakap rin ako.

"Ang tagal kitang hinintay na makabalik May.. salamat sa diyos at kay Tito binalik ka nila sa amin.."

"Huwag ka nang malungkot Dong, andito na ulit ako.."

"Wag ka ng mawawala May.. please.."

Mahigpit ang yakapan namin ni Edong. Talagang na miss niya nga ako.

Pinagpahinga na muna ako ng mga doktor at hinayaang makapagbawi ng lakas sa katawan.

Lumabas na muna silang lahat sa kwarto ko at hinayaan akong makatulog.

Nang marinig ko ang pag uusap ng mga magulang ko at ng isang doktor sa may pintuan.

"Doc? Tingin mo, magtatagal pa ba ang himalang ito? Di kaya masyado kaming umasa?", tanong ng daddy.

"Baka naman bigla na naman siyang babawiin sa amin doc?", sabat ni mommy.

"I'm going to be frank Mr. And Mrs Entrata, she is still very terminally ill pero lumalaban ang bata sa kondisyon niya ngayon. Nagkalat na sa buong katawan niya ang kanser na galing sa utak niya. Unfortunately, pati sa lahat ng vital organs niya naaapektuhan na rin as of now. Isa talagang himala na nagising pa siya ulit"

Hindi ko na narinig magsalita pang muli ang magulang ko. Narinig ko nalang ang mga hikbi nila at kung paano nila kinocomfort ang isa't isa.

*****

"Bakit mo ba hiniling na umuwi na May? Kakapagaling mo lang ah!", galit na tugon ni Edong na mula yata sa ospital hanggang nakauwi ako ng bahay ay walang ibang lecture kundi bakit ko pinilit nang umuwi sa bahay namin.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon