SEIS.

664 64 21
                                    

"May? Ano bang ginagawa natin dito?"

"Shh. Shut up ka nalang okay? Ayeeeiii exciting to"

"Ano ba talagang binabalak mo?"

"Pwede ba Ed wag ka ngang kj dyan!"

"Eh bakit naman kasi nandito tayo sa loob ng closet ko?!", nalilito kong tanong kay Maymay na parang bata na kumaladkad sa akin sa loob ng aparador.

"At ang dilim dito ha"

"Shh. Ang ingay mo naman Ed eh. Maganda to seven minutes to heaven", nakangisi niyang sagot.

"Ha? Ano?"

"Seven minutes to heaven"

"Ano yun?!"

"Hala. Napaka boring naman ng life mo Ed. Parang yun lang di mo alam? Saang henerasyon ka ba galing?!"

"At bakit mo naman kailangan ng seven minutes sa heaven? Eh malapit ka ng tumira dun forever?"

Di siya sumagot. Sumimangot siya at tumahimik.

"Hay. Ano ba kasi ang larong ito May?", I gave up.

"Seryoso? Di mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?! At bakit mo ba to ginagawa?"

"Para ma crash out ko sa bucket list ko. Ang dami mong tanong!"

"Ano nga ang gagawin dito??"

Ngumiti siya bigla na parang bata at nag explain.

"Ganito kasi yun, ang seven minutes to heaven ay parang secret date mo sa crush mo within seven minutes sa loob ng isang closed space area, hence the aparador. Seven minutes of unlimited chance kasama ang taong bet mo"

"So bet mo ako?!"

"Hindi no! Assuming ka naman!"

"Eh yun yung sabi mo eh!", napangiti ako.

"Hindi ah! Wala naman kasi akong choice kasi ikaw lang ang kasama ko dito!", she defensively said in a cute way.

"Okay fine. Sana si Edong nalang ang tinawagan mo para gawin to"

"Edong?! Paano naman siya nasali dito?"

"Diba crush mo siya?", pang aasar ko sa kanya.

"Di no!"

"Okay game na. Ano bang unang gagawin?"

"Hmm. Kahit ano. Kung gusto mong gumawa ng kahit na anong gusto mo pwede basta wag lang yung bad things ha", she excitedly said.

"Ako ba ang in charge dito?!"

"Pwede rin naman.."

"Wow. Okay sige. Hmm I want total truth from you"

"Ang intense naman"

"Oops sabi mo ako ang in charge"

"Okay fine"

"Yes or no, crush mo ba si Edong?"

Tumahimik siya. Parang nag iisip pa sa isasagot niya sa akin.

"Ano? Yes or no?"

"Yes", sagut niya habang tinatakpan ang kanyang mukha. Ewan ko kung kinikilig ba siya o may kiti kiti sa tiyan niya.

"Ayun oh. Ahm, bakit ka tumakas sa ospital na alam mo namang pwede mong ikamatay? Pero ayaw mo namang mamatay muna?"

"Kasi malungkot dun. May sakit na nga ako four walls lang lage ang nakikita ko. At tsaka sayang yun time, mamamatay na nga lang ako bakit di ko pa sulitin diba?"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon