Mga tingin na nambibiro. Nagbabatuhang tingin na akala mo ay may katabi akong multo.
Nasa harap kaming lahat ng hapag kainan at di maipinta ang mukha ng mommy at daddy ko.
"Ah..anak? Bakit kailangan natin ng dalawang bakanteng silya?", pabirong tanong nd daddy ko.
Siniko siya ni mommy at biniro sa harap ko.
"Di ba nga Pa, may mga bisita ang anak mo..", pagpihit ni mommy kay daddy na halatang natatakot yata o nagdududang nababaliw na ang unica hija nila.
Natawa sa tabi ko si Edong dahil nga sa set up namin.
Nasa magkabilang dulo ang parents ko, sa kanang banda ko nakaupo si Edong at nasa kabilang bakanteng silya si Edward. Sa harap ko ay ang bakanteng silya ng granddad ko at sa tabi niya naman uupo ang Abuela, kaso wala pa siya kasi may pinuntahan pa raw.
"Ah mommy, daddy? Thank you for letting me do this.. I know this looks like crazy pero importante po kay Abuela ang mga bisita ko ngayon eh"
Nakangisi sa akin ang granddad ko at si Edward naman ay hindi mapakali sa kanyang upuan.
"Ma, nababaliw na yata ang anak natin", mahinang tugon ng daddy ko sa mommy ko na panay siko sa kanya.
Napangisi nalang ako kasi kahit sinumang makakakita at makakawitness sa amin ngayon ay iisiping nababaliw na nga ako.
"Okay na ba tong suot ko May?",pag sabat ni Edward na para bang aakyat ng ligaw sa unang pagkakataon.
"Oo naman! Ang gwapo mo kaya!", sagut ko na nakatawa sa kanya.
Lahat nakatingin sa akin. Lahat iniisip na nag hahallucinate na ako. Maliban syempre kay Edong, syempre naniniwala siya sa akin eh.
"Ahm, Ed? Nakikita mo ba ang granddad ko? Ayun siya oh", sabay turo ko sa matandang nasa harap ko na nakangisi sa aming dalawa"
"Hindi ko siya masyadong maaninag, parang anino lang", may kaunting kasungitan sa boses niya, but of course naiintindihan ko.
Yumuko lang ang lolo ko at ngayo'y nakatitig sa mommy at daddy ko.
"Ano bang pinag-uusapan niyo May?", sabat ni Edong na para bang nagseselos na naman.
"Wala. Sabi ko ang gwapo mo ngayon, tulad ng tito mo", nginitian ko siya.
"Gwapo naman talaga ako eh", sabay ayos niya sa buhok niya.
"Ah daddy matagal pa ba si Abuela?"
"Parating na yun anak, siguro na traffic lang. Ah anak? Dito ba yan matutulog yang mga bisita mo?",tanong ng skeptical kong daddy.
"Ah hindi po, uuwi po ito si Edward. Pero si lolo nandito napo siya lagi, minsan nga po sa kwarto niyo siya nagpapahinga"
Nanlaki ang mga mata ng mga magulang ko. Nabulunan ang mommy. Ang daddy ay para yatang aatakihin sa sobrang takot.
Syempre nakangiti ako sa kanila, pero hindi ako nagbibiro. Doon talaga sa kwarto nila naglalagi ang granddad ko.
"May? Ayos naba tong suot ko? Eh yung buhok ko?", natatarantang tanong ni Ed sa akin na nakakatuwa, but at the same time nakakalungkot kasi hindi naman siya makikita ng Abuela.
"Trust me Ed, ang gwapo mo na sa ayos mo"
Ngumiti siya sa akin na halatang kinakabahan. Hindi pa rin siya mapakali at para bang may langgam sa kinakaupuan niya.
Nang may marinig akong sasakyang huminto sa harap ng bahay namin.
Sabay kaming nagkatinginan ni Edward sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...