"So.. saan ako matutulog?", tanong ko kay Maymay na humilata nalang bigla sa kama ko.
"Ikaw, bahala ka saan mo gusto", nakangisi pa rin siya.
"Iinform lang sana kita na ako pala ang may ari ng bahay nato?"
"At gusto ko ring ipaalam sayo na ako ang nagligtas sa buhay mo. You're welcome!"
"Arrgghhh!!!"
Wala akong nagawa. Lumabas na ako sa kwarto ko at nagpunta sa sala. Siguro naman pwede akong matulog sa sofa ko. Kung bakit kasi tinulungan ko pa iyon eh!
Hating gabi na. Di pa rin ako makatulog. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng babaeng bisita dito sa bahay ko. Parang nakakapanibago.
Bumangon muna ako at umminom ng tubig. Di ko alam kung inis parin o excitement tong nararamdaman ko. Pero di naman siguro, baka tensyunado parin ako dahil di natuloy ang pagpapakamatay ko kanina.
Itutuloy ko na ba habang tulog pa si Maymay?
Hmmm. Wag nalang muna. Ipagliliban ko na muna.
Babalik na sana ako sa sofa para matulog na pero may napansin akong umuungol sa kwarto ko. Si Maymay, baka binabangongot. Pinuntahan ko siya at dahan dahang sinilip.
Nakapikit ang mata niya pero lumuluha. Is she in pain?
"Ahm.. May? Are you okay?"
"Please.. pahingi ng tubig Ed"
Dali dali naman akong kumuha ng tubig. Pinaupo ko na muna siya at pinainom ng tubig.
"Imulat mo mga mata mo May.."
"Huwag muna.. masyadong masakit.."
"Ano bang pwede kong gawin?"
"Dito ka lang. Wag mo akong iwan"
"O..Okay sige..", bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Kaba na di kagaya nung tatalon ako.
Tinabihan ko na muna si Maymay. Walang malisya. Walang halong libog. I was comforting her to sleep until finally she peacefully doze off while holding my hand.
First night. First contact. First share. Bakit ko ba hinahayaan tong lahat ng to?
Di ko rin alam.
*****
"I love you Ed hanggang huli.. hanggang huli.."
"Mariel! Mariel! MARIEL!!!!!"
Nagising ako. Umulit na naman ang panaginip na yun. *sighed ano na bang nangyayari sa akin.
Sige lang, pagkatapos kong matulungan si Maymay itutuloy ko na agad ang nakabinbin kong plano.
Susunod na ako kay Mariel.
But I must say, kagabi lang ako ulit nakatulog ng mahimbing. Sa tabi ni..
Wait! Nasaan si Maymay?
Dali dali ko siyang hinanap sa buong bahay pero wala siya. Tumakas na kaya yun?
Hinanap ko siya sa iba't ibang sulok ng bahay ko.
"Maymay??"
"Nandito ako sa labas!"
Hindi ko alam pero kumalma ang kaba ko ng marinig ko ang boses niya.
Nadatnan ko siya sa labas. Nakatitig sa nakapalibot na mga puno, suot ulit ang bagong laba niyang hospital gown at turtleneck sweater niya.
"Ang aga mo naman yatang nag sesenti dito?
"Wala lang. Ang ganda lang talaga ng mga matatayug na punong yun. Ilang taon na kaya sila?"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanficIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...