DOCE.

506 52 15
                                    

"Pssst."

Alas tres nang umaga.

Malamig ang simoy ng hangin mula sa bukas kong bintana. Nakakakilabot. Nakakatindig balahibo. Ang sitsit niya na naman ang naririnig ko na umaaligid sa kwarto ko.

Gusto kong idilat ang mga mata ko pero para bang nagkukusa sila sa pagpikit at pinipilit akong matulog para managinip.

Nang magsimula na akong managinip ay mas kinabahan pa ako.

Nasa gitna raw ako ng isang napakalaking bahay. Walang laman ang loob ng bahay na yun. Ni isang gamit, wala. Ni isang litrato na nakasabit, wala rin.

"Psst"

Kinabahan ako ng bigla kong narinig yung malakas niyang sitsit sa akin.

Nagtago ako ng mapansin kong may paparating. Nagtago ako sa likod ng malaking kurtina. Bahagya ko lang sinilip kung ano ba ang nangyayari sa may sala.

"Por favor papa, lo amo mucho", sabi nung isang magandang dalaga na umiiyak.

"Psst! Cállate! eres una desgracia para esta familia!", tugon ng isang matandang lalaking parang nagagalit sa dalaga.

Umalis sa harap niya ang dalagita at umiyak papalayo.

Wala akong naintindihan sa mga napag usapan nila, ang alam ko lang ay nagkagalit ang parang mag ama.

Nasaan ba talaga ako? At sino ba ang mga taong ito?

"Psst!"

Nabigla ako ng biglang nakatingin na pala sa akin ang lalaki na sumisitsit.

"Ahh!"

Napasigaw ako ng malakas hanggang sa magising ako sa kalagitnaan ng panaginip ko. Nanlalamig at basang basa sa pawis ang buo kong katawan.

Narinig ko naman si Edward na dali daling kumatok at pumasok sa kwarto ko.

"May? Narinig kitang sumigaw, anong nangyari?", pag aalala niya na agad tumabi at yumakap sa akin.

"Wala ka bang naririnig na kakaiba dito ngayon?"

"Wala naman, bakit ba? Ano bang naririnig mo May?"

"W-wala.. baka panaginip ko lang talaga yun. Okay na ako Ed salamat"

"Sigurado ka ba? Baka gusto mong dito nalang muna ako sa kwarto, sa tabi mo?"

"Ayos lang, sorry nadisturbo pa kita"

Tumango siya at humiwalay na sa pagkakayakap niya sa akin.

Nagpaalam na siya at bumalik na sa sofa kung saan siya natutulog. Huminga ako ng malalim at pinilit bumalik sa kama.

Nang may mapansin akong nakatayo sa gilid ng pintuan ko. Nakayuko siya, marumi ang mukha na may nakaharang na buhok. Punit ang damit niya at nasa madilim na gilid lang siya.

"Bakit ka ba nagpapakita sa akin?", nanginginig kong sabi na pinipilit na hindi na matakot sa madalang ko na na bisitang matanda.

"Tulungan mo ako Marydale, por favor", namamaos niyang sabi.

"Ano bang maitutulong ko?"

Bigla siyang nawala at biglang lumapit sa aking mukha.

Napapikit ako sa sobrang takot. At sa sobrang kaba ko ay di ako makasigaw.

"Hija, ihingi mo ako ng tawad sa kanya..", para siyang kinapos sa hangin ng sabihin niya yun sa akin.

Napaluha ako. Naiyak ako hindi dahil sa takot. Naiyak ako dahil bigla kong naramdaman na baka kilala ko pala ang matandang lalaki na ito.

*****

Mainit na yakap.

Yan ang sumalubong sa umaga ko. Nang idilat ko na ang aking mga mata ay laking gulat ko na nasa tabi na pala ako ni Edward matulog dito sa sofa.

Teka lang? Paano ba ako napunta dito? Ang huling naaalala ko lang ay nagpakita sa akin yung matanda at di ko na alam ang kasunod na nangyari.

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Edward, para bang ayaw niya akong mawala sa tabi niya. Para bang siya ang bodyguard ko na pinoprotektahan ako.

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Tahimik at mahimbing ang tulog niya. Hinayaan ko nalang muna na mag piyesta ang mga mata ko sa maamo niyang mukha.

"Hmm, bakit ka nakatitig sa akin?", bigla niyang tugon habang nakapikit pa ang mga mata niya.

Bigla akong napabitiw sa yakap niya na parang bata na nahuling may ginagawang masama.

"Wag ka na munang umalis May, dito ka lang. Humiga muna tayo at namnamin ang oras na ito"

Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa akin. Idinikit niya ang ulo ko sa dibdib niya.

Ang init ng yakap niya ang nagpapakalma sa akin.

"May?"

"Hmm, bakit?"

"Takot ka pa ba?"

"Matatakot pa ba ako sa lagay na to?", sekretong nakangisi ako sa yakap niya.

"Narinig kita kanina, umuungol. Inakala kong sumasakit na naman ang ulo mo. Ginigising kita pero ayaw mo namang dumilat, natakot ako kaya kinarga kita at dinala dito sa tabi ko. May, natakot ako kanina"

Napatingin ako sa kanya ng biglang nanginig ang boses niya, nakapikit pa siya pero nangilid ang mga luha niya at tumulo.

Naramdaman kong natakot nga siya ng hindi ako gumigising kanina.

"Ed? Bakit ka ba natakot?"

"Akala ko kasi iiwan mo na ako..", tinakpan niya ang mukha niya ng kanyang kamay, parang nahihiya siya sa akin.

"Akala mong iiwan kita?"

"Akala ko kasi umayaw ka na May"

"Ako? Aayaw na? Never."

"May, wag kang ganyan. Baka paasahin mo lang ako at isang araw mauna ka pa sakin"

Sa pagkakataong iyun ay bumangon ako at pinilit kong idinilat ang mga mata niya.

Napakaganda ng mga mata niyang nakatitig na sa akin.

"Sabi ko naman, hanggat nandito ako hindi ka mamamatay Ed. Syempre hiniling ko na rin na wag muna akong kunin para masamahan pa kita, kahit may Mariel ka na"

Biglang tumawa si Edward. Di ko alam kung bakit pero nakangisi siya ng malaki ng marinig yun mula sa akin.

"Bakit? Anong nakakatawa?"

"Nagseselos ka ba?"

"Ha?"

"Nagseselos ka kay Mariel?"

Hindi ako makasagot. Wala talaga akong masagot. Kasi ano ba talaga ang dapat isagot?!

"May? Nagseselos ka ba kay Mariel?"

Inulit pa niya na may halong pang iinis.

Nagseselos?

O hindi?

Nagseselos??

O hindi??

Pin pin de sarapin de kutsilyo de armasin, haw haw..

How could this be happening?!?!

Nagseselos nga ba ako kay Mariel?!

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon