VEINTISEIS.

471 51 19
                                    

(Edong's POV)

Isang linggo.

Isang linggo ng comatose si Maymay sa di maipaliwanag na paglala ng kanyang sakit na kanser na kumakalat na pala sa buo niyang katawan.

Hindi ko lubos maisip kung gaano niya sinikap na dalhin lang ang sakit niya at unahin ang kasiyahan ng iba.

At hindi ko rin lubos maisip na malapit na talaga yatang mawala sa amin si Maymay.

Ayoko. Wag na muna panginoon. Wag na muna.

Kung nakikita ko lang sana si Edward ay hihilingin ko sa kanyang tulungan si Maymay kung sakaling nagkikita parin sila ngayon sa kung saan man sila naroon.

"May, bumalik ka na please..", bulong ko sa kaibigan kong nakapikit pa rin ang mata at may maraming tubo sa katawan niya.

"May, please.. wag ka munang sumama sa kanya.. please..", nilakasan ko ang pagbulong ko sa kanya baka sakaling marinig na niya at bumalik na siya sa amin.

"Edong? Magpahinga ka na muna, kami na muna dito", tugon ng mommy ni Maymay na kasama ang daddy at lola niya.

"Sige na hijo, kami na muna dito", sabi ni Abuela na namumugto rin ang mga mata.

Hinimas ng daddy niya ang balikat ko at tumango lang sa akin.

Ayoko sana siyang iiwan pero alam ko namang gustong gusto niya pag mga magulang niya ang nagbabantay sa kanya.

"Ah Edong?", tawag sa akin ni Abuela.

"Bakit po Abuela?

"Wag ka ng malungkot ha, alam mo bang napanaginipan ko ulit si Edward kagabi. Nangako siyang ibabalik niya si Maymay sa atin..", ngumiti ng bahagya si Abuela sa akin.

"Hmm, paano po niya yun gagawin Abuela?", napayuko ako.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam hijo, manalig nalang tayo ha?", may lungkot sa mata niya.

"Sige po", malumbay kong naisagot sa kanya at umalis na nang ospital.

Nang makarating ako sa bahay namin ay agad naman akong sinalubong ni Papa na halata rin namang nag aalala para sa akin at higit na lalo para kay Maymay.

"Anak, kamusta na ba si Maymay?"

"Ayon po, kritikal pa rin po. Ayaw niya pa rin pong gumising Pa eh", mangiyak ngiyak kong pagsusumbong sa Papa ko.

"Pa? Subukan ko kayang hilingin na bigyan pa ng isang chance si Maymay. Pagbibigyan kaya ako ng diyos?"

"Wala namang imposible sa dasal anak eh. Magtiwala ka lang sa kanya. Ang Diyos lang naman ang pwedeng magbalik sa kanya eh.."

"Tutulungan rin kaya siya ni Edward?"

"Anak, alam naman nating pareho kung gaano kalapit si Maymay kay manong Edward diba?"

Tumango lang ako sa papa ko. Mabigat ang puso ko sa nangyayari ngayon kay Maymay. Sa sobrang bigat hindi ko na magawang umiyak pa dahil wala na akong mailuluha pa.

Pinatulog na muna ako ni Papa sa kwarto ko para magpahinga na muna.

Malalim at nakakasorpresang maayos ang pagkakatulog ko ngayon.

Mahimbing ang tulog ko. Walang kaba. Walang abala.

"Malungkot ka yata Dong?"

Napalingon ako at nakita kong nakatayo sa likod ko si Maymay.

Napakaganda niya ngayon at nakangiti siya sa akin.

"Maymay?"

"Sabi ko, malungkot ka yata ngayon?"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon