"Tatalon ka ba o hindi?"
Mahina kong pagkakasambit habang papalapit ako kay Edward na nakatayo sa railings sa labas ng dati kong kwarto dito sa ospital.
Sobra ang saya ko nang makita ko na siya ulit.
Mangiyak ngiyak ako sa pamilyar na tagpuang ito, ang tagpuan kong saan nakilala ko si Edward.
Napalingon si Edward sa akin at naluha siya ng makita niya ako ulit.
"Kasi kung nagdadalawang isip kang tumalon, please, wag na muna. Wag ka na munang tumalon, samahan mo nalang ako", tuluyan na akong naluha ng masabi ko yun sa kanya.
Bumaba siya sa kinatatayuan niya at hinarap ako na lumuluha rin.
"Wag ka na munang tumalon Ed, kasi kailangan pa kita. Pwede ko ba yung hilingin sayo?"
Pareho kaming naluha sa oras na yun.
Masaya pero sobrang lungkot.
Malungkot pero sobrang saya.
"Maymay? Binalikan mo ako dito?", una niyang nasambit na siyang dahilan para tumakbo ako sa kanya at yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Bakit? Bakit mo ako iniwan Maymay?"
Nadurog ang puso ko ng marinig ko yun. Napahigpit ang yakap ko sa kanya at humagulgol.
"Nandito na ako Edward.. nandito na ako.."
"Bakit ka biglang lumayo sa akin?"
Inangat ko ang ulo ko sa kanya at nakitang puno ng pagdurusa ang mga mata niya.
"Ed.. patawarin mo ako..", ang tangi kong nasabi.
"Patawarin mo rin ako May, kasi naisipan ko na namang tumalon at wakasan ang buhay ko. Sorry. Hindi na mauulit"
Lalo pang nadurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi pa nga niya alam.
Wala pa siyang alam sa kung ano talaga ang nangyari sa kanya.
"Sobra akong nangulila sayo Maymay", hinigpitan niya ang yakap sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Tahan na, wag ka nang umiyak May. Magkasama na ulit tayo.", nakangiti niya lang sabat sa akin.
Pero napansin niya yatang balisa ako at hindi matigil ang pagluha ko sa harap niya.
"Bakit? Bakit ka pa umiiyak May?"
Hindi ko siya masagot. Hindi ko masabi sa kanya na wala na talaga siya sa mundo. Na kung ano man ang dahilan at nandito pa siya ay hindi niya rin alam.
"E-Ed? Pwede mo ba akong samahan? Pwede bang umuwi na muna tayo sa bahay mo?", nanginginig kong tanong sa kanya at pilit tinatakpan ang kirot sa puso ko.
"Sige, umuwi na muna tayo May. Basta ba at wag mo na akong iiwan ha?"
Masayang masaya siyang nagpunas ng mga luha niya sa mata at hinawakan ang kanan kong kamay at umalis na sa lugar na yun.
Pagkababa namin ay agad naman niyang napansin na may kasama pala ako, si Edong na nasa sasakyan.
"Sinama ko pala si Edong, wag kang mag alala ihahatid niya lang tayo sa bahay mo at pagkatapos ay uuwi na rin siya"
Hindi siya kumibo sa akin pero sumunod naman siya sa sasakyan.
"Kumust tol!", kunyaring pagbati ni Edong sa di naman niya nakikitang tiyuhin niya.
Hindi umimik si Edward sa kanya. Ewan ko kung ano ang nararamdaman niya sa panahung iyon pero alam kong masaya naman siya sa pagkikita namin.
The whole time na nasa loob lang kami ng sasakyan ay parehong tahimik sila Edong at Edward na nakawak pareho sa tig iisa kong kamay.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
Fiksi PenggemarIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...