Poot. Galit. Sama ng loob. Inis. Konting katatawanan. Hindi makapaniwala. Tinarantado. Trinaydor.
Lahat ng yan nakita kong nagpalit palit sa katauhan ni Edward ng muli niya akong titigang umiiyak sa harapan niya.
"May? Ano. Ang. Ibig. Mong. Sabihin?"
Iniisa isa niya ang mga salitang akala niya ay di ko naiintindihan.
Nautal ako sa sobrang sakit ng damdamin ko.
Dahan dahan kong hinawakan siya sa braso at hinila siyang maupo sa tabi ko.
Magdadapit hapon na, at kasing sakit ng duguang langit ang nararamdaman namin pareho.
"May.. ano?", nanginginig niyang pakiusap sa akin habang nakatitig lang ako sa kanya at nakahawak sa malambing niyang mukha.
"Gustong gusto ko ng sabihin sayo lahat Ed.."
"Anong pumipigil sayo May?"
"Ayokong saktan ka.."
"Kakayanin ko"
"Pero baka mawala ka nang tuluyan Ed"
"Bakit? Nandito pa ba talaga ako May?"
Pareho kaming natahimik. Para kasing paunti unti ay binabalik ng alaala niya ang katotohanan.
"Sige na May... pakiusap.."
Wala ng pagdududa sa mga mata niya. Wala ng dudang binibiro ko lang siya. At wala na ring duda na nagsisinungaling ako sa kanya.
"Buhay ang Mariel mo Edward.."
Nanlaki ang mga mata niyang basang basa na ng luha.
"Buhay ang babaeng mahal na mahal na mahal mo Edward.."
"Paano naman nangyari yun May? Nakita ko siyang namatay sa harap ko, pinuntahan ko pa nga siya sa ospital diba?", bunalik ang duda. Pero this time alam niyang naniniwala na siya.
"Diba sabi mo sa akin dati may hawig kami kaunti ni Mariel?"
Tumawa siya ng bahagya, pero hindi sa tuwa, dahil ito sa sakit na idinudulot ng pagkakahawig namin ni Mariel. At kung ano ang relasyon namin ng babaeng binuhisan niya ng kanyang buhay.
"Si Abuela, yung lola ko Edward.. siya yung Mariel mo.."
Inilayo ko ng bahagya ang mga titig ko sa kanya sa pagbabasakaling maitatago ko sa kanya ang pagkadurog ng puso ko.
"Ano bang pinalalabas mo dito May?"
May pait sa kanyang mga sinabi. Yung tipong alam niyang naniniwala na siya pero sinusubukan niyang takbuhan iyon.
"Pinapalabas mo yatang... ", hindi niya matapos tapos dahil alam niyang hindi sa kanya ang mundong ginagalawan niya ngayon.
"Edward...mahal na mahal ka ni Abuela. Hinanap ka niya pagkagising niya. Hinanap ka niya. Pero..", ako naman ang di makatapos sa dahilang alam kong hindi na nga siya nararapat pa sa mundong akala niya ay kinabibilangan pa niya.
"T-Tinuloy ko ba yung pagtalon ko dati May?"
Para bang may isang haliging dumagan sa dibdib ko ng siya na mismo ang magsabi nun sa akin.
"Tinuloy ko ba yun dati May?", umiyak na siya.
Bahagya akong tumango sa kanya.
Nakita ko ang sobrang kaba sa mukha niya. Nakita ko kung gaano siya nilamon ng isang masamang kahapon.
"Hindi naba ako nararapat dito May?"
Alam kong marami siyang gustong itanong. Kung bakit hanggang ngayon ay nilalakad pa niya ang mundo. Kung bakit andito pa siya. Kung bakit hindi pa siya tumatawid sa liwanag.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanficIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...