VEINTIUNO.

539 47 32
                                    

Spring of 1965 ❤

Mariel's Diary Passage



(Mariel's POV)

Tagsibol na nga talaga. Maraming bulaklak sa paligid, malakas ang hangin at nakakasilaw ang sinag ng araw.

Ayoko sanang lumabas ng bahay ngayon pero pinilit ako ng mga pinsan kong mamasyal sa bayan at gumala.

"A donde vas Mariel?", tanong ni papa sa tuwing binabalak kong lumabas ng mansion.

"Sa bayan lang ho papa, kasama ko naman sila Amelia at Clara. Titingin lang ho sana ng mga bagong damit", mahinahon kong pagpapaalam sa ama kong may pagka strikto.

"Ven a casa temprano! Ayokong late ka nang umuuwi, entender?"

"Sí Papa!"

"At ayokong nakikita kayong nakikipaglampungan o kahit nakikipagtitigan sa kung sino-sinong lalaki diyan!", mariin niyang payo sa akin.

"Entiendez Papa"

Nang pinayagan na ako ay para ba akong isang kabayo na nakawala sa kwadra niya. Parang isang dalagita na nakatapak sa lupa sa unang pagkakataon sa tuwing papayagan akong lumabas at magpunta sa bayan.

Veinti uno anyos na ako, pero ni minsan hindi ko natikman ang kalayaan ng halos lahat ng kaedad ko. No hindi ako nakakalabas ng bahay ng walang kasama. It was a good thing that my cousins accompanied me today.

Sa sobrang excitement naming mag gala ngayon ay kung saan-saan nababaling ang aking atensyon.

Candy shop. Flower shop. Pastry shop at kung ano-ano pang shop ang pinasukan namin.

Pero isang shop lang ang kumuha ng buo kong atensyon. Ang shop kung saan nakadama ako ng ibang klaseng kasiyahan.

Valle de Chocolate

Ang chocolate valley. Kung saan una kung naamoy ang mga nagbabanguhang mga tsokolate. Kung saan ko unang natikman ang masasarap nilang tsokolate. At kung saan ko siya unang nakilala.

Si Edward.

Ang aking Edward.

Sa unang pagtitinginan palang namin, alam ko na kaagad na may kalalagyan ako sa buhay niya. Yung parang alam mong sinadya ng pagkakataong magkita at magkakilala kayo?

"Tikman mo to magandang binibini", kauna unahang bungad niya sa akin ng ipatikim niya ang tinimpla niyang tsokolate.

Napalingon ako sa aking likuran at nagbakasakaling may ibang tao sa shop.

"Wala namang ibang magandang binibini dito eh", matamis niyang pagtawa habang iniabot sa akin ang mainit na tsokolate.

"Ang ganda mo talaga", dagdag niya.

Hindi ako nakaimik. Para bang bumara ang lalamunan ko sa sobrang kaba. Parang may maraming kulisap sa tiyan ko at para bang nakakalula ang pagtitig niya sa akin.

"Mahiyain ka siguro", napakamot siya sa ulo niya na para bang nahihiya sa akin.

"Ah hindi..", biglang bulalas ko.

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon