VEINTE.

564 56 47
                                    

"May? Gusto mo na bang umuwi sa inyo?", tanong ni Edong sa akin na tinabihan ako sa pagkakaupo sa kama niya.

"Galit ka pa ba sa akin May?"

Umiling ako habang hinihimas ang baso na may tubig na hindi ko pa nababawasan.

"May.."

Hinila ako ni Edong papalapit sa kanya at hinawakan ang aking mukha paharap sa kanya.

"I'm really sorry Maymay.. please wag ka nang magalit sa akin.. hahanapin natin si Edward, okay?", he was sincerely apologetic. His eyes wandered mine and pulled me into a tight hug.

"I'm sorry May.."

"Dong, wala na si Edward dun sa bahay niya. Saan ko pa kaya siya hahanapin?"

"Sinubukan mo na ba siyang tawagin sa isip mo?"

Napangiti ako sa suggestion niya, kulang nalang sabihin niyang magpatulong kami sa ghost busters. Sinapak ko siya ng mahina senyales na hindi na ako nagtatampo sa kanya.

"Naniniwala ka ba talaga sa akin Dong?"

"Aaminin ko May, nung una? Akala ko talaga dahil lang yun sa kondisyon mo. Akala ko normal lang sa isang terminally ill person na nakakakita ka ng kung anu-ano."

"Akala mo nababaliw na ako?"

"Hindi naman. Kailan man hindi ka nagmukhang baliw sa paningin ko"

He looked at me sheepishly, kissed me on my forehead and my cheeks.

"Basta galing sayo May, maniniwala ako palagi"

Niyakap niya ako ulit ng mahigpit at pinahid ang namumugto kong mga mata.

"Umuwi ka na muna, baka nag aalala na sila tita at tito sayo.", pangisi niyang sabi.

"Bakit ka natatawa Dong?"

"Kasi alam kong tanggal na ako sa trabaho bilang bodyguard mo pagkatapos nito eh"

"Hindi mangyayari yun Dong, I got you"

Nagtawanan nalang kaming dalawa at sa huli ay napapayag ako ni Edong na umuwi na muna sa bahay namin at harapin ang mga magulang ko.

*****

"Mommy, Daddy.. I'm really sorry. Tumakas na naman ako. I'm sorry po"

I was expecting them to be so angry at me pero iba ang nangyari. Both of them hugged me tight and kissed me many times.

"No anak, ako dapat ang mag sorry sayo. Mommy mo ako pero hinayaan lang kitang mag isa sa hospital. I'm sorry anak kung naduwag kami ng daddy mo. Hindi kasi namin matanggap ang nangyayari sayo eh"

Paliwanag ni mommy na yakap-yakap parin ako.

"Anak, kung ano man ang nanaisin mo ngayon hindi na kami kokontra ng mommy mo. Naiintindihan na namin na kailangan mong maging masaya sa sariling paraan mo. I'm really sorry anak sa pagkukulang ko rin sayo. Akala ko lang kasi ginagawa namin ang tama para sayo, pero may mali rin pala kami"

Nag uumapaw ang saya ng puso ko sa realizations ng aking mga magulang. Walang kasing saya ang maintindihan nila ang pinagdadaanan ko sa mga nalalabi kong mga araw sa mundo.

"Salamat parin po sa inyo, dahil din naman po sa inyo nadugtungan ang buhay ko eh. Hihilingin ko lang po sa inyo ngayon na hayaan na po muna ninyo ako. Pangako po hindi ko naman po papabayaan ang sarili ko. May mga kaibigan po akong tumutulong sa akin. Si Edong, at si Edward. Sila po ang tumutulong sa akin para mabuhay pa nang mas mahaba.

Nagkapatawaran din sila ni Edong at pinasalamatan din nila ito. Habang nag uusap sila ay napansin kong wala roon si Abuela.

"Mommy? Nasaan po ba si Abuela?"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon