"Kailangan ba talagang ganyan ka kalapit tumitig sa akin?"
Pasimpleng sabi ni Edward na nakapikit pa ang mga mata at hinayaan lang akong tumitig sa kanya habang nakahiga pa sa kama.
"Edward, what if pinagtagpo tayo on purpose?"
Dito na siya nagising ng tuluyan at napatitig na rin sa akin.
"Anong ibig mong sabibin?", a small smile escaped his lips.
"What if nakatadhana talaga nating mahanap ang isa't isa?"
"I'd be thankful then. Kasi kung di dahil sayo malamang matagal na akong namatay. At kung di dahil sa akin malamang matagal ka pang mamamatay", he smiled again and realizes na hindi ako na amuse sa biro niyang sagot.
"Seryoso ba yung tanong mo May? Tungkol pa rin ba to dun sa matanda kagabi?"
"Napanaginipan ko ang nangyari sa inyu ni Mariel", bigla kong nasabi at inilayo ang tingin kay Ed.
Bumangon ako at naupo sa kabilang dulo ng kama paharap sa kanya. Bumangon na rin siya at umupo na rin sa kabilang dulo.
"Nakatitig ka na naman sa akin Maymay. Baka madevelop ka na niyan sa akin ha", nagbiro na naman siya ulit.
"Alam mo Ed, marami akong tanong sayo pero di ko magawang itanong"
"Bakit naman?"
"Baka kasi magalit ka. At sa tuwing tinatanong ko sayo si Mariel, lagi mo akong iniiwasan"
"Kasi matagal na yun, wala na yun. Borado na. Ang mahalaga, hindi ko na masyadong naiisip magpakamatay at sundan siya", nakangisi niyang sagot.
Natahimik ako at napaakap sa mga tuhod ko.
"Alam mo bang may hawig ka sa kanya Maymay?"
Napaangat ulit ang ulo ko sa kanya ng marinig yun.
"Di nga?"
"Oo. Pero syempre mas maganda siya sayo"
Nakakapagtakang sinabi niyang may similarities kami ni Mariel pero noong makita ko siya sa panaginip ko ay parang ibang iba naman siya sa akin.
"Sa attitude kayo mas pareha May, ganyan din siya kabait tulad mo", patawang sinabi ni Edward habang umalis na sa kama at nag ayos.
"Halika na, mag almusal na tayo. Lalo ka nang naprapraning. Kung ano ano na ang mga iniisip mo eh"
Nagtawanan nalang kami at binuhat niya ako pababa sa kama. Hinayaan ko lang siyang gawin yun sa akin kasi alam kong harmless naman si Edward. Siya nga yata ang taong mas pinagkakatiwalaan ko sa panahon ngayon.
"Gusto mo ba ng tsokolate May?"
"Okay sige, ikaw bahala. Kahit ano nalang."
"Hindi naba sumasakit ang ulo mo?"
"Hindi na masaydo"
"Bakit parang malungkot ka parin?", itinigil niya ang mga ginagawa niya at tinabihan ako sa mesa.
"Edward, hindi ko maipaliwanag pero parang papa talaga ni Mariel yung nagpapakita sa akin. At humihingi siya ng tawad sayo"
"Ano na namang kalokohan yan Maymay!"
Bigla akong napayuko ng tumaas ang boses ni Edward. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagalit sa akin. Siguro nainis na siya sa mga kawerdohan ko sa buhay.
Napatahimik nalang ako at pinilit na wag maiyak.
"Pwede bang tumigil ka na diyan sa mga ilusyon mo? Walang matanda okay? At yang mga napapanaginipan mong kung ano-ano ay walang kahulugan! Patahimikin mo na si Mariel!"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...