TREINTA.

694 56 64
                                    

"Ready ka na ba May?"

Pilyong tanong ni Edong sa akin habang dahan dahan niyang hinuhubad ang bathrobe ko sa harapan niya.

"Eh ikaw? Ready ka naba?", gigil kong tanong sa kanya habang dahan dahan ko siyang pinahiga sa kama namin.

Kinasal na kami ni Edong.

And tonight is the night, the honeymoon night!

"Hmm nakakagigil ka talaga Mrs. Barber!"

"Mas nakakagigil ka Eddie junior!"

Nagharutan muna kami at naglambingan.

Bumangon ulit siya at naghabulan kami ng kaunti sa malaki naming suite room.

"Habulin mo ako Edong!", pang aakit ko sa kanya na halatang sabik na sabik sa kagandahan ko.

"Oh C'mmon girl! Give it to me already!"

"Tsk tsk, habulin mo muna ako", nakangisi kong sagut sa kanya.

Naghabulan kami ng naghabulan at nang madakip niya ako ay inihiga na niya ako sa kama.

"Sa wakas.. akin ka na talaga.. nakakagigil ka talaga Maymay"

Nakangisi siya habang dahan dahan niya akong pinaghahalikan at napapikit ako sa sarap ng mga halik niya sa akin.

Nang bigla naming mapansin pareho ang pag patay-sindi ng mga ilaw sa malaking kwarto namin.

"Ahm, May? Parang lowbat yata yung mga ilaw ano?", halatang kinakabahan si Edong sa mala horror na dating ng paligid namin.

"Ahm gusto mo ayusin mo muna ang mga ilaw Dong?"

"Ha? Ah eh bakit ako?"

"Bakit hindi?"

"Eh kasi sa totoo lang May wala akong paki kung ganyan sila. Ituloy nalang natin ang ligaya natin",napipilitang tawa ni Edong na para bang mahihimatay sa takot.

Gusto ko na talagang tumawa sa harapan niya.

"Natatakot ka ano?"

"Hindi no! Ako? Matatakot? Never?"

"Ah okay..", tumango ako sa kanya habang napapansin kong unti-unti na niyang sinisiksik ang sarili niya sa kilikili ko.

Nagpatuloy sa pagpatay sindi ang ilaw namin hanggang sa mawala ang ilaw ng tuluyan.

"Ahhh!!"

Isang malakas na sigaw ang kumawala at hindi galing sa akin yun.

Natawa nalang ako nang mapansin ni Edong kung gaano ka gayish ang pagsigaw niya.

"Hindi ka pala takot ha", biro ko sa kanya.

"Kasi naman Maymay eh, binibiro pa ako!"

Hindi ko na napansin ang pagsasalita niya nang may maaninag akong isang matandang lalaki sa likuran ni Edong na unti unting nagpapatong ng kanyang mukha sa balikat ni Edong.

"Ahm, Edong? Wag kang magugulat ha?"

"Maymay? B-Bakit?"

"Chill ka lang ha"

"B-Bakit nga May!", may alon sa tinig niya.

"May bisita tayo eh", nakangisi kong sagot sa kanya.

"H-Ha? B-Bisita? S-sino?"

"Hayaan mo nalang siya,siguro magbibigay lang ng regalo para sa kasal natin. At siguro baka na miss niya ako", pag pipilit kong di matawa ng mapansin ko kung gaano kaputla si Edong.

"Si Edward ba yan May?"

Napailing ako.

"Si Abuela?"

I shook my head no at hinayaang si Edong na mismo ang makadiskubre sa bisita namin.

"Nasa balikat mo siya, naglalambing yata",patawa kong tugon.

At nang makalingon si Edong sa mukha ng Abuelito kong nakangisi sa kanya ay natawa lang siya.

"Haha! Ang Abuelito mo pala!"

Pagkatapos niya yung sabihin ay bigla siyang napapikit at hinimatay ng bongga.

"Anong nangyari sa asawa mo Marydale? Napapangitan ba siya sa akin?", biro ni Abuelito.

"Naku hindi po Abuelito natakot ho yata sa grand entrance ninyo", nakatawa kong sagut sa kanya.

"Ahm, kanina pa ho ba kayo nanonood abuelito?"

"Hindi. Ngayon lang ako dumating"

"Pwede po bang umalis na po muna kayo Abuelito? Eh sexy time po kasi namin ngayon eh"

"Ah ganun ba apo? Ay sige aalis na muna ako at nang makabuo na kayo nitong matapang mong asawa"

"Maraming salamat po Abuelito"

"Congratulations sa kasal niyo apo, mahal na mahal kita"

Nagpaalam na ang Abuelito na kumakaway at nakangisi.

Bumalik na sa normal ang mga ilaw sa kwarto namin.

Dahan dahan ko namang tinapik si Edong para magising na siya.

"Sinong nandyan! Lumabas ka! Boxing tayo!"

Biglaang pagtayo at paghahamon ni Edong na kunyari di na siya natatakot.

"Dong, wala na. Umalis na eh", biniro ko siya.

"Naku! bakit siya umalis hahamunin ko pa sana siya ng boxing eh!"

"Sus! Hinimatay ka nga eh! Tapang mo ha!"

"Ah ganun ha! Halika dito!"

Inihiga ako ni Edong sa kama at muling nilambing at pinaghahalikan ng dahan dahan.

"Mahal kita Maymay, kahit ang weird mo, kahit hindi ako bagay sayo, kahit may kanser ka man o wala, MAHAL NA MAHAL KITA"

"Alam ng diyos kung gaano kita kamahal Edong, himatayin ka man ng ilang beses, sumigaw ka man na parang babae, MAHAL NA MAHAL talaga kita"

Hinalikan ulit ako ni Edong at nagtago kami sa ilalim ng makapal na kumot. And the rest of the night, actually, the rest of our lives is history.

Well, a beautiful and crazy and creepy history, wonderful at least.

And we lived happily ever after 💕




*****

PS:

Tahimik ang gabi.

Malamig ang simoy ng hangin at mahimbing kang natutulog.

Kaya lang nagising ka nang kung anong oras kasi parang may nakatitig lang sayo.

Hindi mo maintindihan ang pakiramdam mo pero alam mo talagang may nakatitig sayo buong gabi.

Nakatayo ba siya sa gilid ng kama mo?

Nakaupo ba siya sa ibabaw ng kama mo?

Katabi mo ba siyang natutulog?

Nasa ilalim ba siya ng kama mo?

Nasa loob ba siya ng kabinet mo at nakasilip sayo?

O...

Nandiyan siya sa tabi mo, nakangisi sayo at nakapatong sa balikat mo ang ulo ng misteryosong nilalang at kasama mo siyang nagbabasa ng update na ito.

Sige na, lumingon ka na.

Pagbigyan mo na siya, baka naglalambing din yan eh.

Malay mo totoo ngang may kasama kang iba, na di mo naman nakikita :)


Happy Valentine's my beautiful creatures!!!

_____THE END 💜____

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon