DIECINUEVE.

481 56 52
                                    

Muntik na akong maubo sa sinabi ng tatay ni Edong.

"E-Eddie po?!"

"Oh bakit anak? Masyado bang pang artista ang pangalan ko? Hah! Kaya nga Eddie Junior yang si Edong eh!", pagmamalaki ni Tatay Eddie sa akin.

Medyo naibsan ang kaba sa aking dibdib. Kung ano-ano na talaga ang naiisip ko. Siguro masyado ko lang  talagang namimiss si Edward, kaya lahat nalang ng tao pinaghihinalaan kong may koneksyon sa kanya.

Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Para akong baliw.

Nakiupo narin sa mesa ang mag ama at sinabayan ako sa pag aalmusal.

"Tay? Nasaan po ba ang ibang kapatid ni Edong? Bakit kayong dalawa lang po ang nandito?", napatanong ako ng mapansin ko ang mga maraming anak ni Tatay Eddie na nasa litrato sa harap namin na nakalagay sa isang malaking frame.

"Lima sila lahat anak, si Edong ang pinakabunso. Eh matatanda naman na sila so ayun nagkapamilya na lahat, maliban syempre dyan sa kababata mo.", sabay turo sa nguso ni Tatay Eddie kay Edong na pinagpyepyestahan ang pritong isda at sinangag ng tatay niya.

"Alam mo ba Marydale, na kung di pa kayo nagkakilala sa school ni Edong nung elementary pa siya ay di sana kayo naging magkababata. Hanggang sa pagalaki niya yata ay ikaw lang ang nag iisang nais protektahan niyan. Kaya nga nagtraining yan para maging personal bodyguard mo eh", pambubuko ni tatay Eddie sa anak na masiba pa rin sa pagkain.

"Pa! Wag niyo naman akong ipahiya kay Maymay. Alam niyo namang bigatin yang bisita natin eh!", nahihiyang pangangatwiran ni Edong habang nakangatngat parin sa pagkain.

Natawa na lamang ako sa kakingkoyan nilang mag ama.

"Eh, kayo po Tay? Ilan po kayong magkakapatid?", I suddenly felt the urge to ask. I don't know why. Siguro the "only child" in me wants to know how it feels to have siblings.

"Ay lima rin kami anak. Ako rin yung pinakabunso at pinakagwapo sa lahat", malakas na tawa ni tatay Eddie na eneenjoy yata ang pagbubuhat ng sariling bangko sa mga biro niya sa akin.

"Wow, ang saya niyo siguro Tay no?"

Biglang natahimik si Tatay Eddie, tumayo at may kinuha sa may estante. Iniabot niya sa akin ang nangungulay brown ng picture frame at pinakilala ang bawat isa na nasa picture sa akin.

"Si manong Edilberto, yung pinakapanganay at ang pinakamatipuno sa lahat. Namatay na sya last year, stroke. Ito naman ang kambal kong kapatid na sina Manong Edmond at manong Edwin, ang pinakamatalino naming mga kapatid. Buhay pa yan sila, yang si Edmond nasa Autralia, si Edwin naman nasa Brazil. Syempre kasama nila ang mga pamilya nila"

Biglang nahinto si Tatay Ed sa pang apat nilang kapatid, na natabunan pa ang mukha ng alikabok sa larawan. Pinahid niya ito ang laking gulat ko sa nakita ko.

"Nagulat ka ano? Kamukhang-kamukha ni Edong no?"

Tumulo na ang luha ko. Para bang gumuho ang mundo ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ang nasa larawan.

Huminto na sa pagkain si Edong nang mapansin niya ang bigat ng reaksyon ko ng makita ko ang nasa larawan at napatingin ako sa kanya.

"Yan ang manong Edward ko, yan talaga ang sanggang dikit ko eh. Alam mo yun, yung kahit eight years yung gap namin ay magkasundong magkasundo kami niyan. Palagi niya akong inaalalayan sa lahat. Palagi niya akong sinasamahan sa lahat. Mahal na mahal ako niyan at lage akong pinagtitimpla ng tsokolate niyan.", napahinto siya nang mapansin ang pag agos ng luha ko.

"Anak? Ayos ka lang ba?!", nag aalalang tanong ni tatay Eddie sa akin na parang nataranta nung makita akong umiiyak bigla.

"May nasabi ba akong masama?"

Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon