*Abuela / Abuelita - it means "Lola" in spanish :)
Alas nueve nang gabi nang biglang napatawag sa akin si Edong.
Pinagmamadali akong papuntahin sa may park na malayo sa bahay ni Edward, may emergency daw akong kailangang malaman at di niya ito pwedeng sabihing sa cellphone. At kailangan ko raw pumuntang mag isa.
Nang silipin ko sa labas ng kwarto ko ay mahimbing namang natutulog si Edward. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko at mahinang naglakad patungo sa may pinto.
I was silently getting out of his house, ayokong magising pa siya at mag alala kung saan na naman ako pupunta sa gitna ng gabi.
Agad ko namang pinaandar ang kotse ko at sinikap ko talagang wag mag ingay ng todo.
Nang wala namang imik na nangyari sa loob ng bahay at matapos kong masigurado na tulog pa rin si Edward ay umalis na ako at tinungo ang park.
Kinabahan ako sa sinabi ni Edong, ano kayang emergency ang meron at di niya pwedeng sabihin sa akin sa telepono?
Nang marating ko na ang park ay nakakakilabot ang katahimikang bumabalot dito. Agad ko namang natanaw ang kotse ni Edong at bumaba na ako.
"Maymay! Mabuti naman at nakapunta ka!", mainit na yakap ni Edong ang sumalubong sa akin.
"Bakit? Ano bang meron? Ano bang nangyari? Ano ang emergency?", alalang alala kong pagtatanong kay Edong.
"Na miss kita May", nakayakap pa rin siya sa akin.
"Edong ano ba? Ano bang meron?"
"May pasensiya ka na talaga kung pinag alala kita ha, sa totoo lang wala talagang emergency", nakangisi niyang sagut sa akin.
"Ha? Anong ibig sabihin nito Edong?"
"Siya kasi eh, kinukulit ako"
Itinuro ni Edong ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng kotse niya. May katandaan na ang babaeng nakasuot ng isang napakagandang turtleneck sweater, yung paborito niya.
Napaiyak ako at tumakbo na kaagad patungo sa babaeng sobra ko nang namimiss.
"Abuela!", agad kong niyakap ang lola ko.
"Hija! Marydale! Apo ko!"
Para akong nakalutang sa ulap ng mga oras na yun. Hindi ako makapaniwalang ang lola ko pala ang makikita ko ngayon.
"Abuela! I've missed you so much!"
"Maymay, apo ko. Sobra kitang na miss! Mahal na mahal kita!"
"Abuela, bakit po kayo andito?"
"Kinulit ko si Edong, mabuti nama't pinayagan niya akong makipagkita sayo. Pasensiya ka na kung gabi na ako nakapag panahong kitain ka, alam mo naman ang security ng daddy at mommy mo, sobrang mahigpit"
"Hindi mo ako isusumbong sa kanila abuela?"
"Pinaliwanag sa akin ni Edong ang huling hiling mo sa kanya Hija, at naiintindihan ko yun. Pero kailangan muna nating mag usap ng masinsinan tungkol dyan. Okay?"
"Okay po abuela, sige po"
"Bueno, halika umupo muna tayo doon"
"I'm really happy to see you Abuela, this would be a perfect dying give away gift para sa akin"
*****
"Yung kaibigan mo, he does really care for you hija. Don't you think?"
"Abuela, si Edong lang ang hindi nang iwan sa akin sa hospital. Siya lage ang kasama ko doon. Siya lahat ang nakakawitness ng mga paghihirap ko dun"
"Galit ka ba kay abuela?", mahinahong tanong ni lola sa akin na may pagsisi sa boses niya.
"Hindi po, naiintindihan ko naman po kasi kayo. Syempre nasa malayo kayo, pero lage niyo naman akong kinukumusta eh"
"I'm really sorry apo ha, wala ako dito sa mga panahong kailangan mo ako sa tabi mo"
"Abuela, the fact that you're here now, masayang masaya na ako.", hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni lola.
"Siya nga pala, ginawan kita ng maraming turtleneck sweater oh. Para sayo yan lahat apo"
Ang gaganda nag mga gawa ng lola ko. Alam na alam niya talaga ang mga bagay na nakakapagbigay sa akin ng sobrang kasiyahan.
"Alam mo, yang si Edong mabait na bata ano? May naaalala tuloy ako sa kanya"
"Oyy, si abuelo po ba yun lola?"
Napangiti si lola na para bang kinikilig. Nanumbalik sa kanyang mga mata ang pamilyar na feeling ng pagdadalaga.
"Ahm abuela?"
"Bakit?"
"Abuela, kung hihilingin niyo pong sumama ako sa inyo, hindi ko po maibibigay sa inyo yan ngayon"
"Alam ko hija at naiintindihan ko naman pero ang gusto ko lang malaman ay kung sino ba talaga ang nag aalaga sayo?"
"Abuela, mapagkakatiwalaang tao po ang nag aalaga sa akin ngayon. Mabait po siya at alam kong pinapahalagahan niya po ako"
"Paano mo nagagawang magtiwala sa kanya ng basta basta hija? Ni hindi mo raw kilala ang taong yan sabi ni Edong"
"Abuela, mabait si Ed. Magaan ang loob ko sa kanya. Siya ang pangatlong taong pinagkakatiwalaan ko maliban sa inyo ni Edong"
"Gusto ko sana siyang makilala apo, pwede ba?"
"Wag na po muna ngayon abuela, siguro sa tamang panahon na po.. ayoko rin po kasing mabuko nila daddy. Baka may ibang makaalam maliban sa inyo"
"Okay, naiintindihan ko apo. Pero alam ba niya na may sakit ka?"
"Opo abuela, at inaalagaan niya po ako ng mabuti para madugtungan pa po ang buhay ko"
Nangilid ang nga luha ni lola sa kanyang mga mata. Nakikita ko kung gaano siya nag aalala para sa akin, kaya lang di ko pa talaga pwedeng sabihin sa kanya kung saan ako nanunuluyan ngayon.
"Abuela, please.. wag kang mag alala sa akin ha? Okay lang po ako"
"Apo, kailan ka ba talaga babalik sa atin?"
"Malapit na po abuela, pangako ko po yan"
Niyakap ako ni lola ng mahigpit. Parang nawala lahat ng sakit na meron ako sa mahigpit niyang yakap sa akin. Iba talaga ang pagmamahal ni lola para sa akin.
"Ah abuela? Tayo na po? Mag aalas doce na po, baka mahalata po nila na nawawala tayong dalawa baka isipin po nila nag de-date tayo", patawa tawang biro ni Edong sa lola ko na tumatawa na rin.
"Ang batang ito ang pilyo talaga! Bueno, aalis na kami hija! Mahal na mahal kita apo tandaan mo yan"
"I love you too abuela, so much!"
Nagyakapan kami ulit ni lola, at nang matapos na ay sumakay na siya sa kotse.
"Okay ka lang May?", tanong ni Edong sa akin.
"Maraming salamat sa gabing ito Edong, maraming salamat talaga", niyakap ko si Edong ng mahigpit.
"Malakas ka yata sa akin May! Sige aalis na kami, mag iingat ka okay? Good night Maymay"
"Mag iingat din kayo Edong, good night", hinalikan ko sa pisngi si Edong bilang pasasalamat ko sa kanya.
"May?"
"Ha? Bakit?"
"Pwedeng isa pa?", pangisi niyang tugon na parang nahihiya.
Ngumisi na rin ako at hinalikan ko naman ang kabilang pisngi niya.
"Okay na?"
"Haha, okay na May. Sweet dreams ha!"
"Sweet dreams din dong! Mag iingat kayo ni Abuela"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...