"Ah May? Nasaan ba talaga tayo?"
Bigla siyang lumingon sa akin na nakahawak parin sa manibela at may weird na pinta ng mukha.
"We are in the happiest place in the world Ed!", ngumisi siya na parang kinikilig sa tuwa.
Pagkababa namin ng sasakyan ay nakita ko kaagad ang ibig niyang sabihin.
PUBLIC LIBRARY.
Sure ba siya dito? Ito ba ang happiest place na alam niya? Wala bang iba?
"Ano pa ba ang hinihintay mo dyan Ed? Halika na! Pumasok na tayo!"
"Eh hindi ako mahilig sa mga libro eh. Kahit suicidal ako ayokong mamatay sa boredom"
"Ha? Sa kabaduyan mong yan?"
"Hey, I may be old fashioned but I am not baduy okay?"
"Whatever! Halika na!"
Wala akong choice. Sumunod na ako sa babaeng mas weird pa kesa sa fashion statement ko.
Pagkapasok namin ay maaamoy mo na agad ang kalumaan ng lugar. And at the same time maaamoy mo ang seda ng mga librong nakapalibot dito.
"Oh my gosh! Nakabalik na rin ako dito sa wakas!!!"
"Shhh. Ano ka ba. Bawal maingay dito wag ka ngang sumigaw!", bilin ko sa kanya habang nagtitinginan sa amin ang mga tao.
"Wala akong paki. At wala akong paki kung nawewerdohan kayong lahat sa akin. Ang aarte niyo naman! Here I come books!!"
Hinayaan ko nalang muna si Maymay na maglibot sa loob at hayaan siyang maduling sa kakabasa. Halata namang namiss niyang magbasa at di masyadong obvious na gustong gusto niya ang lugar na to.
Naglibot nalang rin muna ako. Pinipilit kong ma amuse sa mga librong may pampatulog effect yata sa akin. Sinikap kong may mabasa para naman worthwile ang time ko dito.
At tamang tama nga may nakita akong libro na bumihag sa aking mga mata.
The Art of Suicide.
Boom! Makakukuha ako ng mga techniques dito. Informative to.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko'y may napansin akong mga lalaking naka unipormeng pumasok sa library. Di ko alam kung mga opisyal pero parang may hinahanap. Gusto ko mang balaan si Maymay dahil baka siya ang pinaghahanap ng mga ito pero mas nabighani ako sa mga nababasa ko.
*****
(Maymay's POV)"Sino bang nagkalat dito ng mga librong hindi naman binabasa?!", sigaw ng librarian sa lahat ng mambabasa. Naiinis yata ng may makitang mga iniwan na libro.
Hinayaan ko nalang ang nasa paligid ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Miss Marydale?"
Laking gulat ko ng sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay tumambad sa aking harapan ang isang napaka pamilyar na mukha.
"E-Edong? Anong ginagawa mo dito?!", kinabahan ako. Nasundan pala ako ng mga security guard nila daddy.
"Salamat naman po at okay po kayo. Miss, please sumama ka na sa amin"
"No way. At paano mo ba ako nasundan ha?"
"Miss, nakalimutan niyo na yatang ako ang unang nagdala sayo dito", pahiyang ngiti ni Edong sa akin.
"Hala.. oo nga no. Please Edong pabayaan mo muna akong mapag isa at maging malaya. Promise nasa mabuting kalagayan naman ako eh"
"Pero Miss"
BINABASA MO ANG
Loving Miss Turtleneck (A MayWard Fanfiction Story) COMPLETED #Wattys2019
FanfictionIn a world full of highs and lows, will one girl change how you see it or will one boy teach you to survive it? A MAYWARDerful year to everyone! A brand new MayWard story full of mishaps and hope. A new year tribute to everyone na may pinagdadaanan...