Plan

26.6K 843 20
                                    

Chapter 4:

Abigail's POV:

Para siyang inihehele ng kung isang mainit na bagay.

At komportableng komportable ang mainit at matigas na bagay na nakayapos sa kanya.

Bumuntong hininga siya at lalong isiniksik ang mukha sa mas mainit na parte at parang ang bango bango ng bagay na hinihigaan niya.

Parang lahat ng bagay na nakakasakit sa kanya ay bigla na lang nawala at parang sa matigas na bagay na hinihigaan niya ay kaya niyang gawing sandigan.

"God's love! Woman you're going to kill me!" Narinig niyang sabi ng isang boses malapit sa kanya, umungol siya bilang pagproprotesta dahil gusto pa niyang matulog.

"I'm so hard what the hell!" Umungol siya.

Anong hard?

At dahang dahang binuksan niya ang mga mata.

At sinalubong siya ng malabong paningin at may pigura na nasa harapan niya.

Kumurap kurap siya at pilit na inaalala ang mga naganap.

Ilang sandali ay parang natahimik ang buong lugar at pilit niyang inaalala ang nangyari.

Tama...nagising siyang malabo ang paningin matapos siyang paluin sa likod ng ulo niya at nung nagising siya ay nasa hospital na ewan niya kung ano na ang mga nangyari dahil biglang ynawalan siya ng malay at lakas.

At naalala niyang may taong malapit sa kanya at inaalalayan siya at pamilyar sa kanya ang boses dahil iyon ang nariring niya sa panaginip niya.

At ngayon lang niya narealized, na ito an taong tumulong sa kanya, hindi gaya ng naisip niya nung unang nagising siya, dahil kung kalaban ito, bakit pa siya nito dadalhin sa hospital.

Agad niyang hinarap ang pigura na nasa harapan niya at pilit na inaaninag ang taog nasa harapan niya.

Naalala niya ang sinabi ng doktor na nagpakilala sa kanya.

Ito ang taong nagligtas sa kanya.

"Are you alright? Is there any pain--" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nag unahan na ang mga luha niya sa mga mata niya.

Isang hindi maipaliwanag na pasasalamat at parang isa siyang batang natalo sa laro at nakahanap ng kakampi.

"Oh Jesus Christ! Why are you crying-- wait!" Sabi ng taong nasa harapan niya.

Kahit na nagpapanic ang boses nito ay dinig na dnig niya ang lagom at accent sa boses nito.

Umiling iling siya at kahit na nanlalabo ang tingin ay pilit niyang hinahagilap ito at nung nasiguro niyang sobrang lapit nito ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"S-sorry! Sorry talaga takot lang-- " natigilan siya dahil bigla niyang naalala na baka foreigner ito batay sa accent nito.

..."I mean I'm so scared--" naputol ang anumang sasabihin niya nu naramdaman niya an mahigpit ding sagot nito sa yakap niya.

"Hush baby... I'm here" Sabi nito sa tenga niya habang inaalo siya nito.

Napakurap siya.

At bigla ay hindi niya maintindihan pero biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

"T-thank you" sabi niya at pasimple na gusto na niyang bumitaw pero hindi siya nito agad pinakawalan.

Imagination lang ba niya o narinig niyang parang suminghap ito? Sa leeg niya?

Pero kung imagination lang iyon bakit may naramdaman siyang parang mainit na hininga?

Huwag kang malisyosa Abigail! Syempre kailangan niyang huminga!

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon