Chapter 27:
Abigail's POV:
Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa mga dapat niyang gawin na nasa harapan niya.
Ang trabaho niya bilang sekretarya ni Aidan.
At ang trabaho niya bilang espiya ng kalaban nina Aidan.
Nasabunutan niya ang sarili dahil sa gulo ng buhay niya.
Hindi niya akalain na ang gust niyang tahimik lang na buhay ay naging ganito kagulo...ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng magandang kinabukasan ang kapatid niya...makapag asawa siya at magkaroon ng anak--
Namula siya nung bakit sa naisip niya asawa ay si Aidan ang tanging lalaking pumasok sa isip niya.
Ipinilig niya ang ulo...pero hanggang ngayon hindi pa rin niya maalis sa isip ang ala ala ng ginawa nila.
Sumirit ang dugo niya sa ulo nung naalala ang halikan nila...ang paghawak ng mainit at lalaking lalaking kamay nitop sa isang dibdib niya...at ang sinabi nitong isang bagay na hindi talaga nagpatulog sa kanya....
..."Because you're mine Abigail... mine"....
Napalunok siya dahil sa naalala niyang sinabi nito..hindi niya kasi alam ang iisipin kung sinabi ba nito iyon dahil gusto alng nitong umangkin ng tao o dahil gusto siya nito.
Naalala niya kasia ng sinabi nitong gusto siya nito bilang kapatid na babae.
Kaya hindi niya maintindihan ang ginagawa nitong mga halik s kanya at hawak nung gabing iyon.
Kasi ang nasa isip niya, kung gusto siya nito, dapat diretso na nitong sinabi na gusto siya nito....bilang babae, at hindi lang dahil tingin nito ay kapatid.
Ayaw niya kasing umasa sa nakakahulog na sinabi nito at sa huli ay walang sasalo sa kanya pag tuluyan na siyang nahulog.
Natiglan siya.
Nahuhulog na siya talaga dito?
Ipinilig niya ang ulo, ang dapat niyang gawin ay masigurong ligtas ang mga ito bago siya mag isip ng para sa sarili niya.
Hindi pwdeng maging panatag siya sa mga bagay na pwedeng ikapahamak ng ibang tao...at lalo na kung importante sa kanya ang mga taong iyon.
Tama.
Importanteng tao sa kanya si Aidan.
Nasapo niya ang noo....hindi pwedeng ang nararamdaman niya para dito ang umiral.
Nararamdaman niya?
Naitiglan siya.
Tama...gusto niya si Aidan...gustong gusto niya.
Dahil kung hindi nya ito gusto...hinding hindi siya papahalik dito at hinding hindi niya mararamdaman ang mga emosyon at sensasyon na ito lang ang nagparanas sa kanya.
Ito lang ang taong nagparamdam sa kanya ng isang maalab na halik at init ng katawan na maaring tumupok hindi lang sa katawan niya kungdi sa lahat ng natitirang katinuan sa kanya.
Hindi. paalala niya sa sarili.
Napapitlag siya nung biglang tumunog ang dating cellphone niya, dahil narinig niya ang pamilyar na ringtone niyon, napalunok siya at naramdaman niya ang pagtakas ng dugo niya dahil isa lang ang ibig sabihin niyon--
"H-hello" mahina at malamig niyang sabi pero nauutal man ay pilit niyang tinatatagan ang boses.
Isa sa mga bagay na dapat gawin niya ay maging matapang siya at hindi muna lalaban at dapat ay makahanap siya ng kahinaan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
RomansaHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
