Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Special Chapter (mild spg)

43.3K 893 40
                                        

Abigail's POV:

Kumunot ang noo niya sa nakikitang mga pictures ng asawa niya.

Bakit ganito? tanong niya sa sarili.

Sa mga nakikita niya ngayon pakiramdam niya hindi nasabi sa kanya dati ni Aidan ang mga ginagawa nito sa buhay noon bago pa man niya ito nakikilala, ayaw man niya pero parang nakaramdam sya ng pagdaramdam dito.

Napasimangot siya.

Hindi niya alam kung bakit nitong mga huling araw masyadong inis siya sa maliliit na bagay.

Dahil na rin siguro buntis siya? Kaya mabilis na uminit ang ulo niya.

Pero ngayon, hindi lang naman siguro maliit bagay ang ikinaiinis niya ngayon?

Unfair siguro sa part niya pero lahat lahat ng mga nangyari sa buhay niya pero bakit kay Aidan halos wla siyang alam? Oo, sabhin mo nang bago pa man siya nito nakiklala.

Nitong mga huling araw ay napapansin niya ang asawa na laging parang laging busy?

Kaya naman kahit ayaw niya ay may pagdududang nabuo sa isip niya.

Kaya naman pinasundan niya ito.

At nagulat siya saa nakikita niyang pictures ng asawa niya.

Nakikipagkarera ito....ng motor.

At mukhang sa mga galaw at exhibitions na ginagawa nito sa ere ay alam niyang matagal na nitong ginagawa ang bagay na 'yon.

Bagama't oo at nakasuot ito ng helmet at kung ano ano pang protective gears ay alam niyang delikado pa rin ang ginagawa nit.

Lalong lumalim ang gatla ng noo niya at nagsalubong ang kilay niya nung nakita niyang sa isang picture ay may mga babaeng nakapaligid dito.

Agad siyang tumayo at tinignan niya ang sarili.

Maganda pa rin naman siya kahit na medyo nadagdagan ang timbang niya dahil sa pagbubuntis at pagke crave niya.

Sabi nga ng ibang tao para mas maganda siya ngayong may mga naging laman siya.

Pero bakit nitong huli ay ayaw siyang pansinin ng asawa niya, dati naman kapag naliligo siya ay binubuksan nito ang pinto ng banyo para doon ay may mangyari sa kanila.

Napasimangot siya.

Sa isipin na may umaaligid na babae dito ay parang gusto niyang magwala...lalo pa at ayaw siyang pansinin nito.

Natigilan siya.

Wala na ba siyang appeal sa asawa niya? Na kahit naglakad siya ng hubad sa harapan nito ay hindi siya pinansin nito? Na hindi kagaya ng dati na halos umaga na kapag tigilan siya nito?

Agad na umasim ang pakiramdam niya at naramdaman niya ang kirot ng selos dahil sa naiiisip na baka nambababae it--

Ipinilig niya ang ulo.

Imposible naman yata.

Mahal siya nito at may tiwala siya dito.

Pero sa mga babaeng nakapaligid dito?

HINDI. mainit na ulong sabi niya sa isip.

Kaya naman agad siyang nagbihis at talagang naligo at nagbabad sa pinakamabangong bath salts sa tub at pinili niya ang pina sexy niyang damit at agad na pumunta sa address kung saan ito nakikipag karera.

Okay lang sa kanya na nakikipagkarera ito.

Basta safe ito.

Pero ang hindi okay sa kanya, may babae,..at iniisnab siya ng asawa niya!

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon