Planning

18.7K 687 21
                                    


Chapter 18:

Abigail's POV:

Nakangiti sa kanya ang doktor matapos nitong tingnan ang mga mata niya.

"Your pupil reaction is good...so I think konti na lang at makakakita ka na ng balik sa normal" sabi ng doktor sa kanya.

"P-pero dok may mga oras na biglang lalabo na lang bigla at--" sabi niya pero naputol iyon nung naramdaman niya ang biglang paghawak ni Aidan sa kamay niya.

Pigil niya ang pagsinghap sa ginawa nito.

"Give it a time babe" sabi ni Aidan at pigil niya ang huwag mapatili dahil sa ginawa nito.

Saka lang niya naalala na oo nga pala at magboyfriend girlfriend sila ni Aidan sa harap ng doktor.

Namumulang yumuko siya at saka tumango ng bahagya.

"Don't worry too much, babalik na yan in few days time" sabi ng doktor pero nahulog na naman siya sa pag iisip.

Kinakailangan niya kasing sabihin na biglang lalabo--

Lihim niyang kinurot ang sarili dahil sa pagsisinungaling niya.

Hindi lang sa doktor, pero mas lalo na kay Aidan na ang tanging ginawa lang naman sa kanya ay ang tulungan siya.

Habang siya naman ay walang habas na nagsisinungaling dito.

Dahil sa pag iisip ng kung ano anong bagay ay saka lang niya namalayan na nasa loob na sila ng sasakyan nito.

"How about now? biglang tanong ni Aidan, napakurap siya at agad na tumingin dito.

Pinamulahan siya dahil sa ngiti nito.

Ang gwapo nito lalo dahil sa pagkakangiti nito, parang bumata ito ng ilang taon kapag nakangiti ito.

Namumulang ibinaba niya ang mukha.

"It's a bit blurry--" napatigil siya at napasinghap nung biglang itinaas nito ang baba niya at saka inilapit nito ang mukha ng sobrang lapit sa kanya.

"Still blurry?" tanong nito sa kanya, napalunok siya.

Amoy na amoy niya ang hininga nito.

Ang mabangong hininga nitong nakakasuffocate...pero nakakasuffocate na masarap sa pakiramdam?

Agad iniwas niya ang mukha dahil sa ginawa nito.

"Still can't see my face?" tanong nito.

Umiling siya.

Dalangin niya ay huwag sana siyang kainin ng lupa dahil sa pagsisinungaling niya.

Bumuntong hininga ito.

"U-uhm but I already saw your face--"

"Really? Am I handsome?" tanong nito at parang excited ito at curious base sa tono ng boses nito.

Namula naman siya.

Ito?

Hindi lang ito gwapo....napakagwapo nito.

Pero sasabihin ba niya?

Bakit kung nagtatanong ito ngayon ay parang hindi nito alam na gwapo ito?

For sure, lagi itong nasasabihan na gwapo ito.

At imposibleng hindi nito naririnig iyon.

"Y-yes" mahina niya sabi.

"How about me? " tanong nito bigla.

"Ha?" takang tanong niya.

"You won't ask me if I find you beautiful? Or not?" sabi nito.

Sa ekspresyon nito parang may gusto itong sasabihin?

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon