Change

17.2K 467 4
                                    

Chapter 30:

Abigail's POV:

Pakiramdam niya ay halos mawalan siya ng dugo sa sinabi ng tumawag sa anya.

Magkahalong takot at galit ang nararamdaman niya.

"A-anong sinabi mo?" maang at galit niyang tanong, ramdan niya ang panginginig ng katawan.

Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya na parang nang uuyam.

"You heard me" Sabi nito.

Pinigil niya ang sariling huwag sumigaw.

"At bakit ko naman gagawin 'yon! Hindi! Ayokong--"

Nakarinig siya ng isang ping sa cellphone na bigay sa kanya ni Aidan, at agad niyang dinukot iyon at nakita niya ang pagdating ng isang email mula sa hindi kilalang email.

At namutla siya nung nakita na picture iyon ng kapatid niya at nakita niya ang gunting sa leeg nito at kita niyang nakatusok iyon sa  leeg nito at batay sa nakikita niya, madiin ang pagkakatusok doon dahil kita niya ang paglubog ng balat ng kapatid.

"Just a little inspiration for you to do it" sabi ng kabilang linya at ramdam niya ang pangangatal ng buong katawan niya nung nakakuha siya ulit ng email.

At halos mapaiyak siya sa sumunod na nakita....dahil nakikita niya ang konting dugo sa leeg ng kapatid kung saan nandoon pa rin ang matalas na gunting na nakatutok doon.

"H-huwag! Tama na!" hindi niya namamalayan na napapaiyak na din siya at lumakas na ang tono ng boses niya.

"Shhh, be quiet, you don't want to be discovered, unless you want you sister to be permanently....lifeless"

Natigilan siya at agad na mabilis na hinahamig ang sarili kahit na nanginginig siya sa nararamdaman niya.

"Hayop ka! Gagawin ko na!" sabi niya sa matalim na boses.

Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ang pumatay, ay siya na mismo ang papatay dito.

Ramdam niya ang ibayong galit at kawalan ng lakas sa mga nangyayari.

Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam ng alam na alam mo ang nangyayari pero wala kang magawa.

Galit na galit ang pakiramdam niya at parang hinahalukay ang tiyan  niya sa tindi ng nararamdaman niyang galit.

Agad siyang nagtatakbo sa banyo sa malapit at doon siya nagduduwal.

Hinang hina at nanginginig na napaiyak siya habang nakaupo sa sahig.

Sinusumpa niya, gagawin niya ang lahat para lang mahuli ang mga ito at dinadamay ang kapatid niya.

Hindi niya alam pero ang mas nangingibabaw sa kanya ngayon ay galit.

Agad siyang naghilamos at kinalma ang sarili at agad na nag isip.

Nung nakabalik siya ay nakita niyang nandoon na si Aidan.

Pagkakita nito sa kanya ay agad itong nagsalita pero agad nito iyong pinutol nung nakita nito ang itsura niya.

"Are you okay"? agad na tanong nito at agad na sinalat ang pisngi niya pero agad siyang umiwas at inilayo ang mukha nung naramdaman niya ang mainit na kamay nito.

Hindi siya pwedeng mawalan ng konsentrasyon ngayon, determinado siyang gawing ang kapatid niya at maging ang tatay nito o kung sinuman sa parte ng pamilya nito.

Hindi pwedeng may madamay.

"You're skin felt cold, are you feeling well?" tanong nito, umiling siya.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon