Storm

22.2K 712 10
                                    

Chapter 8:

Abigail's POV:

Nakaupo siya sa sofa at pinapakinggan ang sinsabi ng TV ngayong araw, at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano.

Bumuntong hininga siya.

Mag isa na naman siya sa bahay ni Aidan at as usual hndi siya naiilang pero namimiss na naman niya ito pag wala ito.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya para kay Aidan.

Nitong mga huli ay laging ito na lang lagi ang iniisip niya, na kung ano ang ginagawa nito, kung kumakain ba ito, at kung ano ang itsura nito.

Bahagya siyang namula nung naalala niya bigla ang panaginip niya.

Nung isang gabi ay napanaginipan niya ito....

Agad niyang nasapo ang mukha dahil nararamdaman niya ang pag iinit niyon.

Napanaginipan niya kasing nasa tabi niya si Aidan sa kama at nakayakap ito sa kanya at hinahalikan nito ang mga labi niya, pakiramdam niya totoong totoo iyon para kasing nararamdaman niya ang paggalaw sa mga labi niya at pati na din ang amoy nito...parang naiwan sa ilong niya?

Alam niyang dapat hindi siya mag isip ng kung ano anong mga pantasya tungkol dito dahil pareho silang estranghero sa isa't isa.

Pero bakit ganoon na lang ang nasa panaginip niya? Tuloy nung umagang iyon ay kapag naririnig lang niya ang boses nito ay agad na siyang namumula.

Ipinilig niya ang ulo.

Dapat hindi siya mag isip ng kung ibang bagay, ang dapat niyang isipin ay kung ano na ang lagay ng kapatid niya, dahil kahit na sinabi ni Aidan na ligtas ito ay kailangan pa rin niyang makita ito--

Pero paano?

Hindi siya makakita ng maayos....ni makalakad ng maayos halos hindi niya magawa ng tama.

Kailangang gumaling na siya.

Nagsabi si Aidan na babalik sila sa doktor niya sa susunod na araw dahil hindi na daw ito magiging busy.

Kaagad siyang pumayag at agad na nagpasalamat dito.

May asawa na kaya siya?

Iyon ang tanong na nasa isip niya nung napanaginipan niya ito.

Parang sobrang mali kapag napanaginipan niya ito tapos ay may asawa na pala.

Para na din siyang nang aagaw ng asawa?

Maloloka na yata ako.

Napapitlag siya nung nakarinig ng medyo may kalakasang kulog.

Nanlaki ang mata niya dahil naalala niya ang balita kanina sa TV, iyon ay dahil ang balita ay tungkol sa biglang pag ulan na may kulog at kidlat, at pwedeng maging bagyo.

Nung bata pa siya ay nagbakasyon sila sa isang probinsya kasama ang mga magulang nila, pumunta sila sa isang sakahan dahil tinignan ng papa niya ang lupa, at ibebenta nito iyon sa potensyal na bibili, dahil isinabay ng papa niya ang baksyon at trabaho at umuulan noon.

Kitang kita niya na may isang magsasaka na malapit sa knatatayuan nila ang biglang nakidlatan.

kaya simula niyon at takot na takot na siya sa kulog at kidlat, dahil kahit hindi niya naalala ang itsura ng namatay ay naalala pa rin ng batang isip niya at naitatak na sa kanya ang takot.

Napalunok dahil naririnig niya ang buhos na ngayon ng ulan sa labas at tumatama ang tunog ng ulan sa bintana.

Dalangin niya sana ay may kasama siya, nung hindi pa naaksidente ang kapatid niya ay ito ang laging kayakap niya kapag may kulog at kidlat.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon