Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Lapses

20.1K 685 10
                                        

Chapter 13:

Abigail's POV:

Nung nagtama ang mata ni Aidan ay agad at on instinct na tumalikod siya bago pa man magtagal ang pagtatama ang mga mata nila.

Lunok siya ng lunok at ramdam na ramdam niya ang pamumula ng mukha dahil nahuli siya nito.

SHIT! SHIT!

Gusto na niyang lumabas para hindi na siya lalong mapahiya pero naisip niyang bigla kapag lumabas siya eh mas lalong mapapatunayan na sinisilipan niya ito--

HINDI KO SIYA SINISILIPAN! tili niya sa isip.

"What are you doing here, Abby..." sabi ni Aidan sa likod niya at pakiramdam niya lahat ng balahibo niya ay tumayo.

Ramdam na ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito sa likod niya.

Napalunok siya.

Nakadamit ba ito?

Anong gagawin niya pag hindi?

Diyos ko.

Imposibleng nakadamit na ito kaagad dahil parang ang bilis naman yata if ever>

Hindi ako nanghihinayang! tili niya sa isip dahil biglang sumingit sa pakiramdam niya ang pakiramdam na dapat hindi lang 'iyon' ang nakita niya.

Alangan naman kasing sabhin niya nakakakita na siya at unang unang ginawa niya eh silipan ito?

Hindi naman niya ito sinilipan....

AKSIDENTE IYON!

Hindi na niya alam ang gagawin ngayon at sasabihin ngayon.

Nakaka stress!

"Abby..." tawag ni Aidan sa pangalan niya at parang sa paos na boses nito.

Lumunok siya na parang nalunok niya ang dila niya.

Kun bakit ba naman kasi naisipan ng mga mata niya na bigla na lang bumalik ulit sa dati--

Napakurap siya.

Nanlalabo ulit!

Malabo.

Malinaw.

Hanggang sa nagiging malabo na naman.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o maiyak dahil bumabalik na naman sa pagiging malabo ang mga mata niya?

"A-ahm, sorry I-I didn't know this is your bathroom" kandautal niyang sabi at halos gusto niyang hilahin ang dila dahil sa pagiging utal niya.

Kabadong kabado siya.

At feeling niya ang life span ng tao ay seventy ngayon pakiramdam niya naging thirty five na lang.

Diyos ko tulungan mo po ako...

Panalangin niya sana ay maniwala itong wala siyang nakita at talagang naligaw lang siya.

Sunod sunod ang lunok niya nung nakita niya ang malabong pigura nitong nasa harapan na niya, at kahit malabo ang tingin niya ay alam niyang wala pa itong suot dahil sa balat nitong wala pang kahit na anong ibang kulay.

"But how did you know that this is the bathroom?" tanong nito at natigilan siya at talagang gusto niya ay kainin na siya ng buo ng sahig.

Isip dali! utos niya sa utak niya.

"A-ahm the floor-- I mean the cold floor, you know it's more colder" hindi niya tuloy alam kung tunog defensive na siya dahil sa pagmamadali at natatarantang pagsagot niya.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon