Monitor (Mild spg)

20.9K 592 11
                                    


Chapter 28:

Abigail's POV:

Sunod sunod ang lunok siya.

"A-anong ibig mong sabihin?" kabadong tanong niya at agad at bahagya siyang napaatras dahil sa sinabi nito, at ngayon lang niya napansin na silang dalawa lang ang taong nandoon.

Kaya lalong lumakas ang suspetsa niya na may alam na ito.

Kumunot naman ang noo nito.

"Aren't you previously working on that company before? They wouldn't hire you around without any experience regarding to into computers" sabi nito at natigilan naman siya.

"I know you have that intelligence about computers, Abby, I had you investigated before since I want to know more about  you..." sabi nito ng tila balewala habang siya at kabadong kabado dahil alam na nitong may alam siya tungkol s amga computers.

Kung alam nito iyon, at kapag nalaman na may security breech ay siya agad ang unang unang suspek.

Shit.

"A-ahm, konti lang alam ko hindi naman ako ganoon kagaling---"

"But you know how to do it, so please...help us with this" sabi nito at napalunok siya dahil kita niya sa mga mata nito na wala pa itong alam sa mga nagagawa niya tungkol sa mga computer.

Pero anong gagawin niya?

Malalaman na nito agad iyon at mawawalan siya ng kontrol sa mga plano niya...

"S-sige, subukan ko" sabi niya at agad siyang nanalangin sa kung sino sinong santo na sana ay hindi siya mabuking ni Aidan.

Parang ang sakit sakit kasi pag makikita na niya sa mga mata nito ang hinananakit pag nalaman nito ang pagtatraydor niya.

Malamang hindi lang hinananakit iyon, mas mabigat ay galit ito...galit na galit at mukhang hinding hindi siya mapapatawad nito.

Agad na parang may kumirot sa puso niya sa naisip na itsura nito at kung ano ang gagawin nito sa kanya.

Agad siyang umupo at agad na nagtipa ang mga daliri niya at agad niyang nabuksan ang kung ano anong windows na biglang nagsilitawan sa harapan niya.

Agad siyang nagtipa ng kung ano anong command sa mga prompt at agad na may mga lumilitaw na kung ano anong mga features na kailangan para sa ikatitibay ng security system.

Mukhang mas mabuti na din na siya ang maglagay ng security para magamit niya ang bagay na iyon sa ikagaganda ng mga plano niya, pero sa ngayon hindi a niya alam.

At kailangang umarte na muna siya na kakampi siya--

Kakampi naman talaga ako.

Ilang beses pa siyang sinadya niyang magkamali at sunod sunod ang ginagawa niyang pagpindot sa backspace.

Halos hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa harap ng monitpr at nung napindot niya ang last na enter ay nakahinga siya maluwag nung successful ang ginawa niya.

Mas mabuti an muna ng ginawa niya keysa makapasok ang mga taong gustong gumawa ng masama, mas mabuti nang siya na muna ang may kakayahan sa security system.

"Wow, that's good" sabi ni Aidan at nung eksaktong lumingon siya ay nasa likod lang pala niya ito at napasinghap siya dahil pagkalingon niya ay bahagyang tumama ang labi niya sa sulok ng labi nito.

Namula siya at agad na parang napapasong agad na lumayo dito.

Pero pagtingin niya sa itsura nito ay parang balewala naman dito ang mga nangyari kaya tumikhim siya.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon