Chapter 7:
Abigail's POV:
Nakaupo siya habang nakikinig sa tv at kahit anong pilit niya ay hindi niya maaninag ang nasa TV, gustong gusto na niyang manood ng tv at makibalita sa nangyari nung sinugod ni Aidan ang kompanyang pinagtatrabahuan niya.
Pero dahil halos isang linggo na din yata ang nangyari ay wala na yata siyang ibang makukuhang mga balita tungkol doon
Gusto niya kasing malaman kung sino ang taong dumukot sa kanya ng araw na iyon.
Agad na bumangon ang galit niya sa dibdib nung naalala ang nagawa sa kanya na siyang dahilan kung bakit ganito ngayon ang sitwasyon niya.
Frustrated na siya at gustong gusto na niyang makakita ulit ng normal.
Pakiramdam niya halos wala na siyang silbi sa buhay at naka depende na lang ang mga gagawin kung may tutulong sa kanya.
Parang gusto niyang gumanti na ewan.
Galit siya, pero natatakot din.
Bumuntong hininga siya.
Kailangang bumalik na sa dati ang paningin niya.
Pero paano?
Agad na bumalik ang tingin niya sa TV at saka siya nagsimulang maglakad na kalkulado.
Wala ngayon si Aidan dahil nasa trabaho pa ito, at ngayon ay naiwan siyang nag iisa.
Saka mas okay na din.
Lagi kasi feeling niya ay nakatingin it sa bawat ginagawa niya, kaya naman parang permanente na ang pagba blush niya kapag nasa paligid ito.
Agad na kumontra ang loob niya dahil sa pag iisip na dapat hindi ito laging nandoon.
Dalawang emosyon kasi ang nasa loob niya kada malapit ito, una ang pagkailang, pangalawa ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya na hindi niya alam kung bakit.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Imposible naman sigurong crush niya ito di'ba?
Ni hindi niya nakikita ang itsura nito.
Maganda ang boses nito, at mabango.
Namula siya.
Tinanong naman nito kung kaya na niya ang mag isa at dahil sa dala ng pride niya ay nagsabi siyang oo.
Kahit naman na malaki ang utang na loob niya dito ay hindi naman pwedeng nakadepende na lang siya.
Kailangang tumayo siya ng mag isa at walang hinihingin tulong.
Tutal, hindi naman siguro magtatagal ang sitwasyon niya.
Kumulo ang tiyan niya.
Bumuntong hininga siya.
Nag iwan ito ng pagkain para sa kanya.
Ni hindi niya nga alam kung anong oras na.
Agad niyang inignora ang tiyan at agad siyang lumuhod sa harap ng tv at pilit na inaaninag ang nasa harapan.
Pero bigo siya.
Agad na tumayo ang balahibo niya sa batok nung naramdaman niyang parang may nakatngin sa kanya.
Wala naman siyang ibang narinig na pumasok sa loob ng bahay ni Aidan.
Guni guni ko lang--
Pero agad siyang tumili ng malakas nung bigla na lang may isang matigas na braso ang pumaikot sa kanya at nararamdaman niyang umangat siya sa sahig.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
RomanceHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
