Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Puzzle

23.3K 609 24
                                        

Chapter 37:

Abigail's POV:

Napakurap siya nung nakita ang hawak ni Aidan sa harap niya.

"A-ano 'yan?" tanong niya pero mabilis ang tibok ng puso niya dahil kahit hindi pa niya alam kung ano 'yon ay parang may pakiramdam na siya kung ano ang bagay na hawak nito.

Simula nung nagkaroon sila ng kasunduan ay lagi itong nakabantay sa kanya.

At laging hinahalikan siya nito.

Namula ang buong mukha niya nung naalala ang ginawa nitong halik sa pinakamaselang parte ng pagkatao niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala na ginagawa iyon ng isang lalaki sa isang babae.

Kaya naman tuloy hindi niya napipigilan ang sarili minsan na napapatulala sa labi ni Aidan.

At halos lumipad siya kapag nahuhuli siya nito.

Hindi man siya magsalita ay alam niyang alam nito na 'iyon' ang iniisip niya dahil sa sobrang pamumula ng mukha.

Kaya naman kapag nahuhuli siya nito ay agad siyang hinahalikan nito sa labi...at kapag ginagawa nito iyon ay halos magliyab siya dahil bigla niyang naalala ang ginawa nito sa pagkababae niya habang hinahalikan nito ang mga labi niya.

"This...is the place wherein my brother track those who kidnap your sister" sabi nito, sunod sunod ng lunok niya at agad na lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa antisipasyon.

Nung isang araw ay nalaman niyang humingi ito ng tulong sa kapatid nito, at ngayon ay may ipinapakita na ito... at hindi niya alam kung bakit dahil ang inaasahan niya ay magagalit sa kanya ng sobra ng kapatid nito pero, parang naging mabait ito?

Dahil kaya gusto lang nitong maging maayos ang takbo ng pakikipagtulungan niya sa mga ito kaya ayaw nito ng away?

Ipinilig niya ang ulo nung naisip na baka pagkatapos na mahuli ang mastermind ay saka siya haharapin ng kapatid nito.

Huwag naman sana. piping panalangin niya.

"Nakita niyo siya diyan?" tanong niya dito at sunod sunod ang lunok.

"No not yet, my men are still monitoring that place since it was the address written on the hospital records when my brother dig into it" sabi nito habang titig na titig sa kanya.

Nung napansin niya iyon ay agad siyang umiwas ng tingin dito.

"Did he contact you?" biglang tanong nito.

Agad siyang natakot, dahil kapag naiisip niya ang nag uutos sa kanya ay hindi niya maiwasan na hindi na mag isip ng masama sa kung ano ang ginagawa nito sa kapatid niya.

Marahan siyang umiling.

"H-hindi ko alam kung nagduda siya nung biglang pinapunta ko siya doon sa bahay niyo matapos kong--" natigilan siya at siya na mismo ang tumigil sa pagsasalita.

Agad niyang ibinaba ang mukha at ayaw niyang tingnan kung anuman ang reaksyon ng mukha ni Aidan.

Natatakot kasi siya na may makita siyang galit doon.

"I see, hmmm...you shouldn't contact him, let him contact you, baka mas lalo siyang magduda kapag mapilit kang makipagkita siya sa'yo" narinig niyang sabi ni Aidan sa mahinahong boses.

Lumunok naman siya para alisin ang bara sa lalamunan niya.

Akmang magsasalita siya nung biglang nag ring ang cellphone nito.

"Yes?" narinig niyang sabi nito, at kunwari ay wala siyang naririnig, at akmang aalis na siya para bigyan ito ng privacy nung narinig niya ang pangalan niya.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon