Red

17.5K 598 15
                                    

Chapter 45:

Abigail's POV:

Napasinghap siya at kitang kita niya nung iniangat ang baril at itinutok iyon sa kanila.

Alam niyang sa paraan at takbo ng isipan ng dati niyang boss ay tatapusin nito ang kung sino mang maaring putukan ng baril.

At bago pa man siya nakapag isip nung nakita niyang nakatutok iyon sa daddy ni Aidan ay mabilis niyang iniyakap ang sarili dito at saka niya naramdaman ang isang mainit at masakit na bagay na biglang pumasok sa bandang likod niya.

Napaigik siya at para siyang nabingi at agad siyang napaluhod.

Dahil nakatingin siya kay Aidan ay itang kita niyang sobrang pamumutla ng buong mukha nito....at kitang kita niya ang takot.

Isinigaw nito ang pangalan niya at nakarinig siya ng sunod sunod na putok.

Bago pa man siya matumba ay agad na siyang sinalo ni Aidan dahil ramdam niya ang panghihina ng sobra at ramdam niya ang hirap niya sa paghinga.

"God! Abby! What did you do!" sigaw ni Aidan sa kanya habang yakap siya nito.

Huminga siya ng malalim at ramdam nya ang sakit at hirap sa paghinga' kitang kita niya ang pag aalala sa mukha nito, kaya naman ngumiti siya.

"What the fuck are you all doing! Call a fucking ambulance!" sigaw nito at tumingin ito sa lahat ng tao.

Hindi...

Gusto niya ay siya lang ang tingnan nito, kaya naman kahit na hirap ay iniangat niya ang kamay at sinapo ang pisngi nito.

"A-aidan..." sabi niya kahit na hirap siya sa pagsasalita.

Kita niya ang biglang pamumutla nito...ng sobra.

"P-please don't do this...I-i'm begging you!" sabi nito at iniangat nito ang kamay na nasa likod niya at kita niya ang kamay nitong tigmak ng dugo.

Napahingal ito at nagsimulang mamuo ang luha nito sa mata.

Titig na titig naman siya dito.

Hindi niya alam pero parang siya ang nasasaktan ngayong ilang sandali ay tutulo na ang luha nito.

"A-aidan...m-may sa-s-sasabihin ako" sabi niya at humugot siya ng malalim ng paghinga dahil pakiramdam niya ilang sandali na lang ay hindi na niya magagawa iyon.

"The ambulance is almost here, Abigail...h-hold on hija" narinig niyang sabi ng mommy n Aidan, ngumti siya kay Aidan.

"M-makinig ka A-aidan.." sabi niya pero umiling ito.

"D-don't talk baby, save it...Mom! Where's the fucking ambulance!" at saka ito natatarantang tumingin sa magulang nito at saka ito tuluyang umiyak habang kalong kalong siya nito.

Imbes na indahin niya ang sakit sa katawan niya ay parang mas lalong iniinda niya ang sakit sa puso niya dahil sa nakikita niyang sakit sa mga mata nito.

Gamit ang natitirang lakas niya ay ang kamay niyang nasa psingi nito kanina ay inilagay niya sa batok nito ang  kamay niya at saka niya ito hinila palapit sa kanya.

Kailangan na niyang magmadali at sabihin niya dito ang dapat na malaman nito non pa.

Kung may isang bagay siyang malapit nang pagsisishan, iyon ay ang hindi niya agad pagsabi dito ang nararamdaman niya.

Ngumiti siya dito nung nakalapit na ang mukha nito..

Huminga siya ng malalim.

"M-mahal k-kita..." pero sa tingin nya ay hindi nito narinig iyon dahil bigla ay nakarinig sila ng tunog ng malakas na sirena.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon