Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Schemes

21.1K 548 7
                                        


Chapter 49:

Abigail's POV:

"...would you explain to her about the scissors? You did scare your wife!" narinig niyang sabi ng kapatid ni Aidan na siyang nagpatigil sa tibok ng puso niya.

A-ano?

Hindi siya makagalaw nung narinig niya ang salitang gunting dahil bigla niyang naalala ang kapatid na may gunting sa leeg na nakatutok doon...pati na din ang dugo na nakita niya dati.

Bigla siyang nanginig.

Huwag ka munang mag isip ng kung ano, Abby--

"I didn't do anything!" narinig naman niyang sigaw ni Aidan sa kapatid nito.

See? sabi niya sa isip dahil sa pasigaw na pagtanggi nito--

Pasigaw?

Sandali...

Bakit ba ito sumisigaw?

"Don't deny it! I saw the picture of it when I asked someone to investigate more about father's issue, at bakit wala kaming nahanap na suspek na may hawak na gunting or anything! God! It was you!" ganting pasigaw ng kapatid ni Aidan.

At tumigil ang inog ng mundo niya.

Anong nangyayari?

Napakurap siya.

Ang sinasabi ba ng bayaw niya na ang may pakana sa pagtutok ng gunting sa leeg ng kapatid niya para takutin siya ay si Aidan mismo ang mya gawa?

Pero bakit?

Mabilis siyang nag isip...

Ibig sabihin ba may kinalaman din ito sa kaso ng daddy nito?

Anong nangyayari?

Naguguluhan na siya..binalak ni Aidan na gawan ng masama--

Ipinilig niya ang ulo.

Hindi pwedeng mangyari ang iniisip niya.

"No! It wasn't my fault!" narinig niyang galit na sigaw ni Aidan.

Pigil naman niya ang paghinga sa mga susunod na sasabihin nito.

"How dare you...are you for real I saw it with my very fucking eyes!" sigaw ng bayaw niya.

Pakiramdam niya may unti unting bumabara sa lalamunan niya.

"Look, it wasn't that way...I admit, I did that, but not the one who got involved with blood! It was one of my plan to possessed Abigail para hindi niya ako iwan" unti unting nasabi ni Aidan.

At kahit na pahina ng pahina ang sinasabi nito ay parang bomba iyon sa tenga niya na sunod sunod na sumabog.

At agad siyang napakapit at sumandal sa pader dahil parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod at binti niya.

Natutop niya ang bibig at parang tuluyan na siyang na blangko dahil sa narinig.

"What? What the hell? What did you just do?" narinig niyang parang hindi makapaniwalang sabi ng kapatid ni Aidan.

"Damn it! I did try to blackmail Abigail dahil iiwan na niya ako and call it selfishness but I will do everything to win her love!" sigaw ni Aidan.

Inantay niya ang sagotng kapatid ni Aidan pero wala siyang narinig kaya naman nagpatuloy si Aidan.

"I know sooner or later, she will leave me and start a new life with her sister, I felt like I was left out and I'm sure... I'm not part of that new life...I swear, I didn't know about the other picture with her bleeding neck...I won't hurt the sister of the woman I love..." narinig niyang sabi ni Aidan.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon