Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Offer

19.9K 690 12
                                        


Chapter 20:

Abigail's POV:

Sumilip siya sa ibaba at tinitigan kung nandoon pa at hindi pa umaalis si Aidan.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung matapos ang halikan na naganap sa pagitan nila at hanggang ngayon todo iwa siya.

At ewan niya dahil pakiramdam niya ay maging ito ay umiiwas.

Nung unang araw ng gabing halikan na 'yon ay nung lumabas siya ay may nakita siyang pagkain sa harapan ng pinto.

At kung tanghali at hapunan ay may iniiwan itong pagkain sa mesa.

Bumuntong hininga siya.

Magkakahalo na ang nararamdaman niya.

Nahihiya siya at naiinis ng bahagya.

Bumuntong hininga siya.

Inis ay hindi lang para sa sarili niya kungdi para dito, inis niya sa sarili dahil pumayag siya, kung tutuusin ay kaya niyang tuhurin ito, pero hindi niya ginawa at nahalina siya sa sensasyon ng halik nito.

At inis para dito dahil naguguluhan na siya sa ipinapakita nito, lalo na sa ipinalasap nitong halik.

Agad siyang namula nung naalala niya ang halikan nilang dalawa.

Hindi mo din masasabing ginantihan niya ang mga halik nito dahil hindi niya alam kung paano humalik, pero halikan pa rin dahil nagdikit--

Pero hindi lang dikit 'yon! sabad ng isip niya.

Sabagay, napapaisip siya kung halik ba ang ginawa nila dahil ang alam niyang halik ay simpleng dikit lang ng mga labi, habang ang ginawa naman ni Aidan ay--

Lalo siyang namula dahil sa biglang naisip na termino..

Kinain niya di'ba? sabad ng isip niya at impit siyang napatili dahil sa sinabi niya isip niya.

Maloloka na yata siya, dahil sinabi ng isip niya, malamang sa kanya din galing iyon.

Bahagya niyang sinabunutan ang sarili.

"What's happening?"

Agad siyang napatalon sa gulat kaya naman bigla ay napatili siya ng malakas.

"Hey calm down--" sabi nito at ito na mismo ang pumutol sa sinasabi nito at agad siyang tinitigan.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa titig nito.

"I- I thought you--" naitigilan siya sa pagsasalita nung napansin niyang titig na titig ito sa labi niyang nagsasalita.

Namula siya.

Nakatitig ito sa mga labi niya...gusto ba nitong halikan siya ulit?

Napalunok siya.

Lalo na nung napansin niyang bumalik sa mga mata niya ang mga titig nito, tapos ay bumaba sa mga labi niya...at saka bumaba pa...

Agad nitong iniwas ang tingin sa kanya.

Napakurap siya.

Ano bang tinitignan--

Nanlalaki ang mga matang napasinghap siya ng malakas at agad na tinakpan ang sarili.

"Shit!" malakas na mura niya at agad na tumalikod at saka bumalik sa loob ng kwarto.

Pulang pula ang mukha niya at napasandal sa pinto.

Wala pa pala siyang bra!

Agad siyang pumunta sa kama at agad na ibinaon ang mukha sa unan at saka doon napaungol at inis na pinalo ang kama.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon