Vague

28.7K 863 11
                                    

Chapter 3:

Abigail's POV:

Sa panaginip niya may isang mainit na bagay na dumadampi sa mga braso niya, sa leeg, tapos ay maingat na maingat sa batok niya.

Kahit na maingat iyon na dumadamapi sa batok niya at sa likod ng ulo ay hindi niya maiwasan na hindi mapaungol sa sakit, hindi niya alam pero kahit na medyo masakit ang batok niya ay comforting ang mainit na bagay na dumampi doon.

Para kasing ingat na ingat na huwag siyang masaktan.

Ano bang nangyayari? Tanong niya sa sarili kahit na parang hinihigop pa siya ng isang malakas na pwersa na matulog muna siya at bahala na muna sa kung anumang mangyayari.

Para kasing sobrang pagod na pagod siya.

Kaya naman pinagbigyan niya ang sarili at natulog na muna, dahil ang lugar na kung nasaan siya ay parang sobrang komportableng komportable.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal nagpahila sa antok nung biglang naramdaman niya ang isang mainit at basang bagay sa labi niya.

"Are you waking up now"... sabi ng isang boses na mababa ang timbre pero masarap sa tenga at nakaka relax.

Tapos ay may naramdaman siyang bagay na humahaplos sa pisngi niya.

Gustuhin man niyang gumising pero parang mas nanaig sa kanya ang kuryosidad na imulat ang mata.

Dahan dahan siyang nagmulat at sa nanlalabong paningin ay tumambad sa kanya ang hindi pamilyar na kisame.

Ilang beses siyang kumurap para alisin ang panlalabo ng mga mata.

Agad niyang kinusot ang mga mata pero nanatili iyong malabo para sa kanya.

Anong nangyayari? takang tanong niya sa sarili at kahit na hirap ay sinubukan niyang umupo pero sumigid ang sakit sa batok niya pati ang sakit sa ulo niya, partikular sa likod ng ulo.

Napaungol siya sa sakit at nasapo ang batok at kagyat na nawalan ng balanses at hindi nakaupo pero sa halip na mapahiga siya ay isang matigas at mainit na bagay ang sumalo sa katawan niya.

"So your eyes are chocolate brown..." sabi ng isang boses na pamilyar sa kanya.

Ano?

Parang iyon ang boses sa panaginip ko...

Agad siyang pumiksi para makawala at agad na nag panic nung ewan niya kanina ay malabo ang mga mata niya ng sobra pro ngayon parang bahagyang dumilim?

"A-anong nangyayari! S-sino ka! Bitiwan mo ako!" pagpalag niya, pero agad nitong hinawakan ang magkabilang braso niya at hinawakan siya...ng medyo mahigpit.

'Hey! Calm down! Shhh! It's okay I'm an ally....shhh!" pagpapakalma nito sa kanya, pero nanatili siyang nagpapanic.

"B-bakit medyo madilim! Bakit malabo!" Nagpapanic na siya at naiiyak dahil kanina ay medyo maliwanag pa at medyo malabo lang.

Pero bakit ngayon parang dumidilim?

"Shit! Wait baby, don't panic okay, let me handle this, please don't cry!" tarantang sabi ng boses at naramdaman niyang parang niyayakap siya nito.

"Someone out there! Call the doctor immediately!" narinig niyang sigaw nito.

Hindi niya alam kung bakit sa yakap nito ay parangkumakalma siya ng konti? Sino ba ito? Naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon.

Ang alam niya kanina ay biglang may dumukot sa kanya at kinausap siya--

Napasinghap siya ng malakas at nagsimula siyang manulak ulit.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon