Chapter 26:
Abigail's POV:
"If that's the case, then I will give myself that right" huling sabi nito at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi niya at madiin at mapusok siyang hinalikan nito sa mga labi niya.
Nanlaki ang mga nya at agad na napasinghap at agad naman iyong sinamantala ni Aidan para makapasok ito sa loob ng bibig niya at agad na inangkin ng husto ang buong bibig at pinagala nito sa loob ang dila nito.
"Hmmmmppp!" pilit niyang pagpupumiglas at itinutulak ito pero siya ang itinulak nito sa pader at agad siyang inipit para hindi siya makawala.
Ramdam na ramdam niya ang matigas at malakas nitong katawan kumpara sa pisikal na lakas niya, gamit ang isang kamay nito ay hinawakan nito ang batok niya habang ang isang malaking kamay nito ay pirming nakahawak sa dalawang kamay niya, at lalo siyang hindi nakagalaw dahil ang isang hita nito ay inilagay nito sa pagitan ng dalawang hita niya.
Tulala siya at titig na titig dito dahil sa pagiging mapusok nito ngayon, malayong malayo sa Aidan na nakilala niya.
At nagsalubong ang paningin nilang dalawa, dahil hinahalikan siya nito at sobrang malapit ang mukha nito ay kita niya ang apoy at...parang hirap ang kalooban nito?
Inulit niya ang pagpiksi pero wala ding nangyari sa mga ginagawa niya.
Ramdam niya ang init ng katawan at ang mismong labi nito, hanggang ang nakadilat nitong mga mata kanina ay unti unti ay sumara at ang mapusok at madiin nitong halik ay naging masuyo...marahan...at naging magaan.
Parang sinasabi ng mga halik nito na magiging mas matamis ang halik pag pumayag siya sa pagsuyo ng mga labi nito.
Napasinghap siya nung parang lalong inilapit ni Aidan ang katawan nito sa kanya at lalo niyang nararamdaman ang mainit at matigas na katawan nito.
Napapikit siya sa mainit na buga at tamis ng halik nito.
Umungol siya ng bahagya nung parang naging balsamo ang mainit nitong yakap sa malayelong takot niya sa buong pagkatao nya ngayon.
Aidan... sabi niya sa pangalan nito pero ungol na iyon nung narinig nito kaya naman lalo nitong pinagbuti ang paghalik sa kanya.
Ewan niya pero sa mga halik nito para siyang naging protektado? Lalo na sa matigas nitong katawan na parang kaya siyang takpan mula sa mga taong gustong manakit sa kanya.
Para siyang malulunod sa init na iyon.
Iyong klase ng lunod na gustong gusto mo.
Napaungol siya.
Hindi niya napansin na hindi na pala nito hawak ang mga kamay niya kaya naman sinamantala niya at agad niyang ikinapit iyon sa batok nito at lalong naglapit ang mga labi at katawan nila.
Ramdam niya ang tigas ng katawan nito kumpara sa lambot ng katawan niya nung nagkadikit ang mga dibdib nila, at dahil sa pangyayaring iyon ay parang naging mainit ang paligid niya.
Umungol siya ng malakas nung naramdaman niya ang mainit at malaki nitong kamay na nasa tagiliran na niya at marahang hinahawakan nito ang tiyan niya.
Gusto niya ang nararamdaman niyang gaspang ng kamay nito sa balat niya, at para siyang nakukuryente, kaya napaliyad siya at lalong naidikit nya ang dibdib sa matigas nitong dibdib.
Nakarinig siya ng ungol na malakas galing dito dahil sa ginawa niyang pagliyad.
Saglit na pinaghiwalay nila ang mga labi para sumagap ng hangin at kita niya na malamlam ang mga mata nito pero kita doon ang apoy at isang emosyon na hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
RomanceHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
