Spill (mild spg)

21.1K 628 24
                                    


Chapter 32:

Abigail's POV:

Poison him...

Iyon na lang ang nasa isip niya habang tulala na nakatingin sa litrato kung saan hawak ng kalaban ang kapatid niya.

Napapikit siya.

Gusto na niyang humingi ng tulong kay Aidan, pero kapag ginawa niya iyon, mapapahamak na ang kapatid niya.

Pero kapag sinunod niya ang utos ng mga ito, mamamatay ang tatay ni Aidan.

Kahit na saglit lang ang pagkakakilala nila ng tatay ni aidan ay alam niyang mabuting tao ito at ang deserve na mamatay ay patawarin siya ng Diyos pero ang mga kalaban ang mga iyon.

Nag ngalit ang ngipin nya dahil hindi pwedeng mamili.

Pero wala siyang pagpipilian.

Ang pumatay, o mamamatay.

Hindi niya alam kung kanino na siya pwedeng humingi ng tulong.

Kailangan ba niyang gawin ang bagay na--

Umiling siya.

Kasalanan sa Diyos ang gagawin niya, at sigurado siya, kapag nalaman ng kapatid niya kapag nagising ito ay hinding hindi siya nt mapapatawad, at alama niyang kapag nalaman nito na ginawa niya iyon para sa kaligtasan nito ay alam niyang hindi rin nito ma-papatawad ang sarili.

Nasapo niya ang noo.

Gusto niyang humingi ng tulong sa mga magulang...pero wala na ang mga ito para gabayan siya sa kung ano ang tama at mali--

Natigilan siya.

Hindi na niya kailangan iyon, alam niya ang dapat gawin.

Mabilis siyang nag isip kung paano ang gagawin niya.

Nung natapos ay nakapag desisyon na siya.

Nitong huli ay talagang pinag aarralan na niya ang huwag matakot ng husto dahil kapag nahuli ang loob niya ng takot ay wala siyang maiisip.

At nitong huli ay ngayon lang niya nalaman na nagkakaroon na siya ng sobrang takot sa gunting dahil kahapon ay nung nakakita siya ng gunting ay nanginginig na siya.

Agad niyang inayos ang sarili at sinilip kung nasa ibaba si Aidan, dahil sinabi nito kanina na pwedeng hndi na muna siya pumasok dahil ang alam nito ay masama pa rin ang pakiramdam niya.

Bumuntong hninga siya.

Hindi na niya din ito masyadong nakikita sa loob ng bahay.

Mukhang mas mabuti na din iyon para magawa niya ang plano niyang naisip.

Agad siyang lumabas at binuo ang plano.

--

Napapitlag siya nung nakarinig siya ng katok mula sa pinto ng kwarto niya.

"B-bakit?" sagot niya.

"Open up, Abby" narinig niyang sabi ni Aidan sa labas, agad na lumakas ang tibok ng puso niya pagkarinig sa boses nito.

Nung buksan niya ang pinto ay agad siyang namula nung nakita ang mukha nito, magkahalong pananabik at guilt ang nararamdaman niya nung nakita niya ito.

Kahit na namimiss niya ito ay hindi pa rin niya maiwaglit sa isip na guilty siya sa gagawin niya.

At pakiramdam niya...wala siyang karapatan na maramdaman ang pagkamiss na emosyon na nararamdaman niya ngayon.

"Are you still not feeling well? Do you want us to go to hospital to have you check?" nag aalalang sabi nito, umilng siya at iniwas ang mga mata.

"O-okay lang ako, ibig 'kong sabihin, o-okay na ako" sabi niya at tipid na ngumiti pero nanatiling hindi siya nakatingin dito.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon