Chapter 24:
Abigail's POV:
"Because I like you, Abby"
Nanlaki ang mga matang napasinghap siya at para siyang napasong agad na lumayo dito.
Anong ibig sabihin ng sinabi nito?
Gusto siya nito?
Lumunok siya ng sunod sunod habang nakatingin dito ng diretso pero ang tanging nakikita lang niya ay isang maliit na butas sa paningin niya at sobrang lakas ng tibok ng puso niya.
Magkahalong nerbiyos at hindi maipaliwanag na kilig ang nararamdaman niya.
Kilig dahil sa sinabi nito at nerbiyos dahil baka iba ang ibig sabihin ng sinabi nitong gusto siya nito at ang totoo...umaasa siyang iisa ang nasa isip niya at ang ibig sabihin ng sinabi nito.
Para siyang nagising sa ung ano nung nakita niyang bigla itong kumislot na parang may kung anong nagpagising dito.
At wala silang imikan habang nakatingin sila sa isa't isa.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya habang inaantay ang anumang sasabihin nito.
Bakit wala siyang sinasabi? Anong nangyayari?
Gustong gusto na niyang magtanong dito pero parang nauunahan siya ng isipin na baka mali siya.
Bumuka ang bibig niya para magsalita nung bigla itong gumalaw, agad siyang napakislot at agad na naging alerto.
KItang kita niya na bigla itong natigilan...at nanlumo?
Bakit? Takang tanong nya sa sarili.
Mabilis lang niyang nakita ang emosyon na iyon sa mga mata nito at hindi niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng nakikita niya dahil sa sinabi nitong nagpabilis ng husto sa tibok ng puso niya.
"Forget it" sabi nito at parang naiinis ito?
Tumalikod ito.
At agad na para siyang nagpanic nung nakita niya ang likod nito.
At ewan niya kung bakit.
"T-teka, ba-b-bakit mo sinabing g-gusto mo ako?" pahina nang pahinang tanong niya.
Pero narinig nito iyon at agad itong humarap sa kanya.
Bumuntong hininga ito.
"I like you as the s-sister that I never had" sabi nito at agad na itong tumalikod at agad siyang iniwan na nakatulala at tahimik pero sa loob niya ay parang may isang bagay na maingay na nabasag.
Rinig na rinig niya iyon.
At naramdaman iyon ng puso niya.
--
Aidan's POV:
Galit na galit na pinagsusuntok niya ang pader habang minumura ang sarili.
Gustong gusto niyang bumalik sa ibaba at agad na balikan si Abigail pero paano? At ano ang sasabhin niya dito?
That he was just kidding when he said she was the sister that he never had?
FUCK ME.
Sunod sunod na mura ang ginawa niya sa sarili at hindi niya maitatanggi na nagkaroon siya ng konting hinanakit dahil sa nakita niya kanina kaya niya binawi ang sinabi niya dito.
He saw how she looks like she was struck by something so ugly when he poured his feelings...like she heard a very unusual news.
He was hurt.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
RomanceHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
