Hacker

30.8K 922 27
                                    


Chapter 2:

Abigail's POV:

Tumili siya habang inaalis ang piring niya sa mata pero agad ding hindi niya naituloy iyon dahil bigla na lang may kumuha sa mga kamay niya at agad na naramdaman niayng itinatali siya.

Tumili siya.

"Tumahimik ka!" sabi ng isang marahas na boses.

"P-please po, hindi po ako mayaman--"

"Alam ko, kaya huwag kang maingay diyan" sabi ng boses, pero hindi siya tumigil.

Hindi pwedeng makidnap siya, paano na ang kapatid niya?

"M-may kapatid pa po ako!--" pero hindi na niya naituloy dahil nabusalan na ang bibig niya.

Tumili siya ng tumili pero dahil nakabusal iyon ay hindi iyon masyadong malakas.

Nahihirapan na din siya huminga dahil halos natatakpan ng piring niya ang ilong niya.

Tulong! Tulungan niyo ako! sigaw niya sa isip.

Hindi niya alam kung kelan siya tumigil dahil sa kakapusan ng hangin at sa isang iglap ay biglang tumiwarik ang pakiramdam niya at parang binuhat siya.

At marahas na inalis ang takip niya sa mata at agad siyang nasilaw sa liwanag na biglang tumama sa mga mata niya.

"Oh the hacker is here" sabi ng isang boses na hindi pamilyar sa kanya at iba iyon keysa sa boses na kumuha sa kanya.

Agad niyang hinanap ang boses at nakita niya isang may edad na lalaki na naka amerikana ng puti at mas tungkod.

"S-sino ka? B-bakit mo kinidnap!" sigaw niya kahit na masakit ang lalamunan, masakit iyon dahil sa pagsigaw niya kanina.

"Ho ho! Don't demand, you're not in charge here" sabi nito at biglang naging malambot ang ekspresyon ng mukha nito pero hndi ang mga mata nito, na siyang dahilan kung bakit may nagsasabi sa loob niya na delikado ang lagay niya.

Umikot ito sa kinauupuan niya na parang kinikilatis siya.

Balak ba nitong ibenta siya?

Pero bakit alam nitong isa siyang---

"I need you to work on another field for me" sabi nito bigla at agad siyang napatingin dito nung pumunta ito sa harapan niya.

Naguluhan naman siya sa sinabi nito.

"Ano?" ulit niya dito hindi siya nito agad sinagot.

"You!" sabi nito at tumingin sa isang tao sa likod niya.

"Sir?" narinig niya tanong ng nasa likod niya

"Untie her, why are you doing this to our precious hacker?" Sabi ng matanda at pinigilan niya ang sariling huwag itong paikutan ng mata.

Ilang saglit pa ay naalis ang mga tali sa kanya.

"Sino ka ba?" lakas loob niyang tanong dito, ngumiti ito pero hindi umabot iyon sa mga mata nito, para itong isang clown na na nakakatakot dahil sa ginawa nito, at hindi niya mapigilan ang sariling huwag matakot dito, halos manayo nga ang mga balahibo niya sa batok.

"Me? You don't recognize your boss?" balik tanong nito, nanlaki naman ang mga mata niya.

Ito ang boss ng kompanyang pinagtatrabahuan niya?

Pero bakit may mga sundalong pumasok kanina at iyon ang dahilan ng gulo?

Lihim siyang lumunok dahil pakiramdam niya pumasok siya sa isang ilegal na bagay.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon