Chapter 19:
Abigail's POV:
"Yes, you are very beautiful..." pagkasabi nito ay hindi niya inasahan na biglang baba ang mukha nito at agad na pinagtagpo nito ang mga labi nila.
Nanlaki ng husto ang mga mata niya at napatitig lang sa kawalan habang ramdam niya ang mainit na bagay na nasa bibig niya.
Anong nangyayari?
Hinahalikan siya ni Aidan?
Bakit?
Pero hindi naman niya ito boyfriend?
Napasinghap siya at parang tinamaan ng kung ano nung na realize niya na hindi lang niya imagination ang ginagawa ngayon ni Aidan.
"A-aidan--!" Kakasabi lang nya ng ng pangalan nito pero hindi pa man tumatagal ay agad nitong inangkin ulit ang labi niya, at sa pagkakataong na iyon ay ginamit nito ang isang kamay at inilagay iyon sa batok niya para hindi siya makaalis sa pagkakabihag nito sa mga labi niya.
"Hmmph--!" sigaw niya pero dahil angkin nito ang labi niya ay iyon na lang ang tanging lumabas sa bibig niya.
Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya habang pilit itong pinapalayo sa sariling katawan.
Anong nangyayari? Bakit siya nito hinahalikan?
At bakit dapat ay magalit siya dito pero bakit nagugustuhan niya ang mariing pagkakadikit ng mga labi nila.
Hindi! Huwag Abigail! Hindi mo siya boyfriend!
Sukat doon ay napasinghap siya at muling nanulak pero inalis nito ang kamay nito sa batok niya at hinuli ang mga kamay niyang nanunulak.
Sinamantala niya iyon para makalayo dito at tumayo pero kakaalis lang niya sa kinauupuan nila at hindi nito inaasahan na tatayo siya at makakalayo pero akmang aalis na siya nung biglang nahuli siya nito at hindi niya inasahan na susundan siya.
At sa isang iglap ay isinandal siya at saka inipit siya nito sa pader at bago siya nakapagreact ay agad na naman nitong hinuli ang mga labi niya sa isang mapausok at mariing pagdidikit nito ng mga labi nito sa kanya.
At dahil inipit siya nito sa pader ay hindi siya makagalaw at maitulak ito ng maayos at para makaalis na siya.
Ano bang nangyayari dito?
Bakit kinuha nito ang una niyang halik? Ang lalaking hindi niya boyfriend?
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero napapagod na siya sa pagtulak dito at akmang sisisgaw siya at ibubuka niya ang bibig nung sinamantala nito iyon at agad na pumasok ang isang basa, at mainit na bagay sa loob ng bibig nya.
Napasinghap siya sa ragasa ng kung anong sensasyon sa buong katawan niya at natigilan siya.
Tinignan niya ang lalaking nasa harapan niya ngayon.
Nakapikit ito.
Pero kahit hindi niya nakikita ang mga mata nito ay base naman sa ungol nito ay parang gustong gusto nito ang ginagawa nito.
Napakurap siya sa biglang nalasahan mula sa malambot nitong mga labi.
Kakaiba, nalalasahan niya ngayon ang alak sa bibig nito....medyo may matamis pa siyang nalalasahan.
Napapitlag siya nung biglang parang may kumudlit sa dila niya, iyon ang bagay na malikot na pumasok kanina.
Dila ba niya iyon?
Hindi ba dapat mandiri siya ngayong nalaman niyang dila nito ngayon ang naglilimayon sa bibig niya?
Pero bakit parang kakaiba?
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
RomanceHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
