Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Identity

20.7K 580 15
                                        

Chapter 44:

Abigail's POV:

Kinakabahan siya.

Pero kailangang kalmahin niya ang sarili para umarte at ng hini mag duda ang mga ito.

Kanina ay naghanda na silang dalawa ni Aidan at ang mga kasamahan nila sa misyon na 'to.

Naglagay ang mga ito ng hidden camera na itsurang butones sa may damit niya at dahil nakasuot siya ng itim na damit ay hindi agad iyon makikita.

Habang ang cellphone naman niya ay may nilagay na tracking device.

Kanina ay dumiretso na headquarters office ni Aidan at ginamit niya ang kakayahan bilang hacker at agad niyang ginamit ang GPS coordinates sa pamamagitan ng cellphone nito at kung saan ito tumawag kanina, dahil hinahanap na nila ang bahay ng nag uutos sa kanya.

Kailangan niya ng dobleng ingat dahil alam niyang may nakahandang plano din ito kung sakaling bumaliktad siya, at may pakiramdam siyang mapapahamak ang mga magulang agad ni Aidan kapag pumalpak siya.

Huminga siya ng malalim.

Kaya mo 'yan Abby... sabi niya sa sarili, dati ay iniisip alng niya ang kapatid...ngayon ay hindi na lang ito ang inisip nya para manatili siyang buhay.

Dahil nag aantay din si Aidan para sa kanya.

At pagkatapos ng lahat ng ito ay masasabi na din niyang mahal na mahal niya din ito.

Agad siyang nagdasal.

At nung nakarating siya doon ay nakita niyang isang malaki pero abandonadong bahay siya napunta.

Lumunok siya.

Napatalon siya sa gulat nung biglang tumunog ang cellphone niya.

"Y-yes?" kabadong tanong niya.

"Go upstairs... don't do anything stupid..or else your sister's life is at stake" sabi sa tawag.

"S-sige" sabi niya inihanda na niya ang sarili pag akyat at pagbukas niya ay nakita niyang madaming tao sa loob ng kwartong iyon.

At may baril.

Sunod sunod ang lunok niya pagkakita niya ng baril.

Pero kailangan niyang lakasan ang loob niya.

At nakita niya ulit ang dating boss niya at alam niyang nag uutos sa kanya.

Nakatalikod ito, at kita niya ang hawak nitong baston.

"Boss nandito na po siya" narinig nyang sabi ng isa sa mga ito.

Lumunok siya nung humarap ito.

At kitang kita sa mukha nito ang inis.

Nabuking na ba siya?

At bakit it naiinis? Dahil wala na itong. hawak sa kanya?

"Why..." sabi nito sa kanya.

Sunod sunod ang lunok nya.

Lalo na nung lumapit ito.

"A-anong bak--" hindi na niya natapos ang sasabihin nung biglang sinampal siya nito ng ubod ng lakas, dahilan para matumba siya.

At nalasahan niya ang maalat na lasa ng dugo niya sa loob ng bibig.

"Alam mo bang muntik na akong pumunta nung gabing 'yon! Muntik na akong mahuli!" bulyaw nito, nagulat naman siya sa sinabi nito

Ibig sabihin ay muntik na siyang nagtagumpay dati?

"H-hindi ko alam--" natigil siya sa pagsasalita nung biglang sinikmuraan siya nito.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon