Unwanted

19.7K 678 12
                                    


Chapter 11:

Abigail's POV:

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE!" isang malakas at madagundong na sigaw ni Aidan nung lumabas ito mula sa kwarto niya.

Napalunok siya.

Hindi man niya nakikita si Aidan ay bigla ay nakaramdam siya ng takot mula dito.

Para kasing ang tipo ni Aidan ay hindi basta basta nagagalit, at kapag nagalit eh nag iiba ang ugali.

Naalala niya tuloy ang kwento tungkol sa Buddha, iyong tatlong beses na sinaktan mo ito ay hindi ito magagalit, pwera na lang kung ginawa mong apat o higit pa.

Pero batay sa nakita niya ay malayong malayo ang itsura ni Aidan sa Buddha dahil ang alam niyang Buddha ay walang buhok at masyadong mabait ang itsura.

Habang si Aidan ay sobrang--

Natigilan siya.

Bakit ba niya pinagkukompara ang itsura nito sa--

"Listen, whatever that is, you can leave my house!" Narinig niyang sabi ulit ng boses ni Aidan kaya naputol ang anumang mga iniisip niya.

Sino kaya ang kausap niya? Bakit parang galit na galit siya?

Dala ng kuryosidad ay dahan dahan siyang tumayo at pakapang naglakad at dahil medyo alam na niya kung saan ang pinto ay dahan dahan niyang binuksan iyon at saka niya inilabas ang ulo para marinig ang anumang pinag uusapan ng kausap ni Aidan.

Tsismosa. Tuya ng isip niya.

Bigla siyang namula.

Bakit ba niya ito ginagawa? Kung pribado ang usapan bakit siya nakikinig sa kausap nito?

Hindi niya alam kung bakit siya curious.

Para tuloy ng dating eh wala na siyang tuang na loob eh tsismosa pa siya.

Bumuntong hininga siya at saka niya isinarado ang pinto.

At dahil hindi niya nakikita ang dinadaanan ay hindi niya natantiya ang carpet na malapit sa kama niya at natalisod siya at dahil hindi pa siya magaling at nakakabawi ay hindi niya agad naagapan ang sarili at agad siyang napatili nung tumama ang siya at nadapa.

Napaungol siya sa sakit nung tumama ang dibdib niya, at kahit na carpeted ang sahig ay masakit pa din ang impact niyon.

Medyo malaki pa naman ng mga dibdib niya.

Agad niyang sinapo iyon.

Agad na sinikap niyang umupo sa kama, kakaupo pa lang niya sa kama nung nakarinig siya nang sunod sunod na yabag ng mga paa na paakyat sa kwarto.

At napasinghap siya nung nakarinig siya ng tila balya sa pinto at narinig niya ang boses ni Aidan.

"What happened?" sabi ng boses ni Aidan at dinig na dinig sa boses ang pag aalala nito.

Namula siya.

Alangan naman na sabihin niyang nadapa siya at una ang dibdib niya?

"N-nothing, I got out balanced and tripped--"

Agad siyang napaigik nung niyakap siya nito at hindi niya napaghandaan ang yakap nito.

"I'm sorry! Where does it hurt?" inosenteng tanong nito, namula naman siya sa tanong nito.

"I-it's okay--"

Naputol ang dapat sanang sasabihin niya nung nakarinig siya ng tikhim sa malapit.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon