Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Glimpse

23.3K 736 19
                                        


Chapter 9:

Abigail's POV:

"You're the loveliest woman, Abby.." Narinig niyang sabi ni Aidan, nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napapasinghap na agad na napalayo mula dito.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon niya.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya sa narinig niya.

Nagagandahan ito sa kanya? Totoo?

Napalunok siya nung narealized niyang iba ang reaksyon niya sa sinabi nito, agad niyang hinamig ang sarili at pilit na kinakalma ang sarili.

Parang ang awkward ng reaksyon niya eh.

Lihim siyang napangiwi.

Kailangan dapat hindi.

Tumikhim siya.

"S-sorry--" panimula niya at lihim siyang minura ang sarili dahil sa pagka utal niya.

...."I'm not just g-good with compliments" sabi niya at pilit na huwag mapangiwi dahil sa sinabi niyang excuse.

Ilang sandaling hindi ito nagsalita.

At dahil hindi niya nakikita ang reaksyon nito ay pakiramdam niya mas lalong naging awkward ang sitwasyon, at hindi niya tuloy maiwasan ang pamumula ng mukha.

Agad niyang napatalon sa gulat ng narinig ang malakas na kulog, agad siyang napakapit kay Aidan at on instinct at agad na niyakap niya ito ng mahigpit.

"Are you still afraid?" sabi nit at agad siyang napamulat ng mata at agad na napasinghap nung napansin niyang mahigpit siyang nakayakap dito.

Pero bago pa man niya nailayo ang sarili ay mabilis na ipinulupot ni Aidan ang matigas nitong braso sa bewang niya.

"Keep still, let me carry you" sabi nito at naumid tuloy ang dila niya dahil nung nagsalita ito ay sobrang malapit sa tenga niya at at ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga.

Namalayan na lang niyang nasa harap na sila ng banyo nig kwarto kung saan siya tumutuloy dahil sinabi nitong nandoon na sila.

Walang imik na naglakad siya ng pakapa para makapasok sa loob ng banyo.

Agad niyang isinara ang pinto at agad na sinapo ang dibdib niya dahil sa lakas ng kalabog niyon.

Napalunok siya dahil nagugluhan siya sa mga nagaganap...lalong lalo na sa nararamdaman niya para kay Aidan sa tuwing malapit ito.

Bumuntong hininga siya.

Agad niyang binuksan ang faucet at agad na naghilamos para kahit naman paano ay makalma ang tubig ang nararamdaman niya.

On instinct na iniangat niya ang mukha.

Napakurap siya.

May salamin?

Ilang beses siyang kumurap kurap.

Imahinasyon lang ba niya o parang saglit na medyo luminaw ang mga mata niya?

Saglit na hind siya gumagalaw at pigil niya ang paghinga.

Diyos ko tulungan niyo po ako!

Hindi niya napansin na napalakas ang pagkakasabi niya kaya naman saglit ay parang nakarinig siya ng parang pagtawag sa pangalan niya.

Iniangat niya ang kamay at inilagay iyon sa parang nakita niyang salamin.

At tama siya.

May nakapa siyang isang bagay na patag at dumulas ang kamay niya dahil sa basa iyon at hindi iyon pakiramdam ng tiles dahil makinis iyon.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon