Chapter 46:
Abigail's POV:
Hindi siya makahinga...hindi siya makagalaw...
Hirap din siyang idilat ang mga mata niya habang parang nasa isa siyang madilim na madilim na lugar.
Parang kapag titigna mo ang kamay sa dilim na iyon ay hindi mo makikita ang sariling kamay.
Nasaan ba siya?
Bakit parang nakakulong ang pakiramdam nya?
Parang gusto na lang niyang itulog ang lahat at hihintayin na lang na may makita siyang liwanag o hindi na--
Huh?
May naririnig siyang parang may tumatawag sa pangalan niya?
O pangalan niya nga ba?
Hindi na niya sana papansinin pero naulit iyon kaya naman pinakinggan niya ang pagtawag na iyon.
Tinatawag ba siya? Bakit parang sa tunog ng boses ay bumilis ang tibok ng puso niya?
Nasaan ba siya?
At bakit parang may isang pwersang humihila sa kanya palapit sa boses na 'yon?
Lalabanan ba niya--
"Abby!"
Iyon ang narinig niya at saka niya dahang dahang binuksan ang mga mata at tumambad sa kanya ang isang malabong imahe...
Anong nagyayari?
Nasaan ba siya?
Tinignan niya ang malabong imahe na unti unti ay lumilinaw...titig na titig siya dito.
Kilala niya ito.
Agad na sunod sunod na bumalik sa kanya ang lahat lahat.
At ang pagkakabaril sa kanya...ang hindi niya pagkakasabi dito na mahal niya ito.
Si Aidan...
Ang lalaking mahal niya, at akala niya ay hindi na siya mabubuhay.
Ang naalala niya ay hindi nito narinig ang ang sinabi niya.
Titig na titig sya dito.
At nagdesisyon na siya.
"S-sino ka?" tanong niya dito nung nakalapit ang mukha nito sa kanya.
Kitang kita niya ang pamumutla ng mukha nito habang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Hindi naman sa gusto niya gustong lokohin ito, may gusto lang siyang malaman, kung ano ang gagawin nito ngayon ay kunwari an hindi niya ito naalala, gusto niyang malaman kung ano ang sasabihin nito sa magulang nito...at sa kapatid nito ngayong mag asawa na silang dalawa.
At mukhang hindi madali ang gagawin niya...pero babawi naman siya dito...sa ngayon..nagtatampo siya, kasi naman , paano ung hindi na siya nabuhay at hindi nito napakinggan ng husto ang sinabi niya eh di hindi na siya natahimik? Naalala niya kasing gusto niya ay ang pansin nito ay sa kanya lang pero busy ito sa pag aalala.
Sabihin mo ng isip bata siya.
Pero nagtatampo talaga siya eh., pero...
Namiss niya ito ng husto.
At akala hindi na niya ito makikita.
Pati na din ang kapatid niya.
Pwede naman sigurong tanungin niya iyon di'ba?
"A-ang kapatid ko? N-nasaan?" tanong niya dito kahit na hirap siya sa pagsasalita.
Nakatingin pa rin ito sa kanya habang tila hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi niya, at nakita niya ang mga doktor na biglang pumasok sa kwarto kung saan nasaan siya, nakita din niya ang kapatid ni Aidan na nanatiling nakatingin sa kanilang dalawa ni Aidan.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aidan
عاطفيّةHe doesn't understand why he wanted action ever since he was a kid. His father, Grant said he's a daredevil. He wanted that kind of adrenaline every time he's into the verge of death and dying. It was fun. It was exhilarating. Not until he saw the w...
