Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Abrupt

22K 718 45
                                        

Chapter 38:

Abigail's POV:

Napamulagat siya nung nakita ang laman ng diyaryo na ibinigay sa kanya n Aidan.

"A-anong ibig sabihin nito?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata niya.

"You can read it clearly" tila balewalang sabi nito habang siya ay malakas ang tibok ng puso habang binabasa ang nakasulat doon.

"P-pero bakit kailangang nasa diyaryo ang magiging kasal natin?" nauutal na sabi niya.

"It's a bait" sabi nito, naumid naman ang dila niya dahil sa sinabi nito at pakiramdam niya tumigil ang tibok ng puso niya na kanina ay ang lakas lakas lang.

Ano bang inaasahan mo kasi, Abigail..

Tama nga naman, magiging pain siya...silang dalawa ng kapatid niya para mahuli ang mastermind, nung nag ussap usapa sila ay nalaman niyang ang plano ay gaya nga nung una, magpapakasal sila ni Aidan, habang ang kapatid niya ay ililigtas ng kapatid ni Aidan, at kapag nangyari iyon ay hahabulin siya ng mastermind dahil wala nang hawak ang mga ito sa kanya.

Siyempre kapag nailigtas na ang kapatid niya, wala nang pam blackmail ang mastermind, at pipilitin siyang gawin ang plano dahil nagpapanic na ang mga ito.

Tinanong niya din siyempre kung paano at baka magduda ang mga ito na alam na ni Aidan ang lahat pero sinabi sa kanya na mag deny lang siya ng magdeny dahil wala na din lang naman na habol ang mga ito sa kanya.

Kapag nangyari at nagpanic ang mga ito ay magkakaroon ng lamat ang lahat ng plano ng mga ito laban sa pamilya nina Aidan, at madali na algn na makakaisip sina Aidan kung ano ang gagawin.

Kaya ang nangyari, ay pumayag siya, at feeling naman niya safe ang kapatid niya sa kapatid ni Aidan, dahil hindi siya gusto nito, malamang sa oo, ayaw din nito sa kapatid niya.

Sa ngayon ay nag aantay sila ng tawag. kung anuman sa kapatid ni Aidan at kung tagumpay ba ang pagliligtas ng mga ito sa kapatid niya, at sinugurado na sa kanya nito na maililigtas ang kapatid niya mula sa kamay ng mga kaaway.

"Since I went around and announced to the public that we're getting married I'm sure any moment from now ay tatawag sila sa'yo" siguradong sabi ni Aidan.

Napatitig siya dito.

Naisip niya bigla, kung sinabi ba niya agad dito na may kumuha sa kapatid niya, mabilis kaya siya nitong natulungan at hindi na umabot sa ganito ang lahat?

Bumuntong hininga siya ng malungkot.

"We will get married soon, so save your loneliness like that" sabi nito at nung tumingin siya dito ay nakita niyang salubong ang mga kilay nito. nagtaka naman siya.

"S-sorry nalulungkot lang ako kasi sana pala sinabi ko sa'yo ng maaga, eh di sana hin--" napatigil siya sa pagsasalita nung inilagay nito ang daliri sa labi niya para pigilan siya sa pagsasalita.

"What is done is done, there's nothing else we could do" sabi nito at titig na titig sa kanya, napakurap siya nung nakita niya na parang nandoon na naman ang pagsuyo at malambot ng ekspresyon ng mga mata nito.

Napalunok siya nung bumaba ang tingin nito sa mga labi niya at dumadagundong na naman ang puso niya dito.

Kapag ganitong sobrang lapit ng binata ay pigil pigil niya ang sariling huwag yumakap dito at sabihin niyang mahal niya ito, pero kapag sinabi niya iyon...baka ang iisipin nito ay nagplaplano siyang tumakas.

Kaya tikom na lang ang bibig niya at pinipigilan na lang niya ang nararamdaman, dahil iniisip niya baka kung tapos na at mahuli na ang gustong pumatay sa dad nito ay baka paalisin na siya nito.

Perfect Imperfections : AidanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon