Work

16.8K 573 15
                                    


Chapter 21:

Abigail's POV:

Napatanga siya habang nagsasalita si Aidan.

Ano?

Trabaho?

Napakurap siya.

Hindi pa man siya nakakapag isip kung saan makakakuha ng trabaho pero ngayon may iniaalok na si Aidan?

"U-uhm..I think it's too much, I mean you already helped me a lot--"

Napapitlag siya nung biglang hinawakan nito ang pisngi niya.

At agad na nag init ang mga iyon.

Dapat ay iniiwas na niya ang tingin sa mga mata nito pero para siyang nahihipnotismo sa mga titig nito sa kanya, at ewan niya kung bakit.

Para siyang nahihila ng mga magagandang mga mata nito.

Ang gwapo gwapo nito.

Imagination lang ba niya na parang lumalapit ang mukha nito sa kanya?

"I will do everything for you, Abby..." sabi nito sa marahan at mabagal na paraan, at masyadong malambing ang boses nito.

Napalunok naman siya.

"W-why?" tanong naman niya habang milagro pa at naririnig pa niya ang sariling boses dahil sa malakas na pagkabog ng puso niya sa sinabi nito.

"Because--" sabi nito pero napakurap ito, tapos ay unti unti ay lumalayo sa kanya.

Huh? takang sabi niya sa isip.

Bakit hindi nito itinuloy ang sinasabi nito?

Bad breath ba siya?

Gustong gusto niyang hingahan ang palad at amuyin ang hininga pero mas nangingibabaw  sa kanya ngayon ang pagtataka.

Bakit kaya ito biglang lumayo?

Natiglan naman siya, bakit ba niya tinatanong sa sarili kung bakit ito lumalayo eh wala naman siyang karapatang tanungin ito....ano ba ini expect niya?

Na may gusto ito sa kanya?

Baka naawa pa nga ito.

"Ano naman kaya gustong sabihin ng bangus na 'to" sabi niya at hindi niya tuloy maitago ang inis sa boses niya habang nakatingin dito, nagtataka din namang tumingin ito sa kanya.

"What?" tanong nito.

"Buti at hindi mo naiintindihan, ang gulo mo din kasing  bangus ka, minsan sweet ka tapos ngayon parang bad breath ako" sabi niya dito at naiinis na siya.

Kumunot namana ng noo nito.

Akmang aalis na siya sa harapan nito nung biglang hinagip nito ang braso niya.

Napaigtad naman siya dahil sa malaking kamay nitong nakahawak sa braso niya.

"Are you mad at me?" tanong nito at bago pa man siya nakapag react ay nagulat siya nung bigla siyang hinila nito na para siyang isang manika at sumadlak sa matigas nitong katawan.

Mabilis niyang inilayo ito sa katawan niya.

"Oh you're really pissed off" sabi nito at ngumiti ito ng bahagya at naiinis siya sa sarili niya dahil lalo na naman itong naging gwapo sa paningin niya.

"I'm not--"

"I just don't want to say anything, because I didn't want to be accused as taking advantage to a woman...most especially when that woman was under my care" sabi nito sa seryosong seryosong boses.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon