Help

20.3K 717 26
                                    


Chapter 34:

Abigail's POV:

Sumisigok at patuloy ang iyak niya.

Hindi na niya kaya ang nangyayari.

Balak niya kasing ilihim na lang at lulutasin niyang mag isa...iyon ang sabi ng isip niya.

Pero sa puso niya, hind niya kayang galit sa kanya ang lalaking mahal na mahal niya.

Hindi niya kayang makita ang galit sa mga mata nito at nakatatak dito na siya si Abigail na manloloko at sinungaling.

Hindi na niya kaya...kaya ngayon iniiyak na niya ang lahat lahat ng bawat takot, ang pangamba, ang galit, ang frustration niya, at ang napipintong pagkabigo niya kay Aidan.

Sa sobrang pag iiyak niya hindi niya namalayan na niyayakap na siya ni Aidan..ng mahigpit, nahimasmasan lang siya nung narinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.

Marahan nitong inilayo ang sarili sa kanya at kita niya na puno ng pagtatanong ang mga mata nito.

"Tell me everything...what do you mean they have your sister?" tanong nito, natigilan ito ng saglit at saa ito tumayo at saka nito kinuha ang damit nito at agad na isinuot sa kanya.

At saka nito kinalas ang tali niya sa kamay...ng marahan.

At muntik na siyang mapaiyak ulit dahil sa ginawa nito.

"H-hindi ko sinasadya...kinuha nila kapatid ko! Gusto ko siyang hulihin ng mag isa kaya nung sinabi niya l-lasunin ang mga magulang mo, pampatulog ang inilagay ko pero hindi siya dumating! Ibinunton niya ang lahat ng sisi sa'kin! Papatayin niya ang kapatid ko! Aidan!" tuloy tloy na sabi niya habang halos hindi niya alam ang uunahin niyang sabihin dito.

"But we have your sister--"

"Hndi! N-nasa kanya! M-may gunting siya na nakatutok sa leeg niya! H-hindi k ginusto 'to! Pag hindi ako sumunod! Gagawin niya ang nasa picture--"

"Can I see the picture?" putol nito sa sinasabi niya, natigilan siya sa pagiging pormal ng boses nito.

Ang boses na hindi naniniwala sa sinasabi niya.

Napayuko siya at pinigil niya ang mapaiyak.

Pero nakawala ang isang sigok.

Pero sabagay hindi na niya masisisi, sinira niya ang tiwala nito sa kanya.

Tumango siya.

"M-my bag, nasa cellphone ko dati ang pictures...m-may nakasave din sa drive ko na pag uusap namin--"

"Where's the bag?" tanong nito.

Para siyang sinasaksak sa puso niya dahil hindi talaga ito naniniwala.

Akala niya nagiging matigas na siya dahil sa takot, pero pagdating pala kay Aidan ay hindi niya kaya.

Sa pakikitungo nito...

Ang sakit... sabi niya at pilit na pinipigilan ang iyak pero hindi na niya napigilan ang pagtulo ng isa.

"N-nasa bahay ng parents mo..." sabi niya at saka ito walang lingon na lumabas at naiwan siyang nag iisa at pakiramdam niya...siya na ang pinakamababang babae.

Napahagulhol siya ng iyak habang hawak ang mukha niya.

Ngayong iba na ang trato sa kanya ni Aidan...makakaya ba niya?

Iyon pa lang na pormal na ang boses nito at hindi talaga naniniwala ay sobrang sakit na...paano pa kaya kung sinabi na nito mismo na ayaw na siyang makita nito?

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon