KAYA tama si Cassandra. Ang plano ay magpaibig ng prinsipe, hindi ng kanang kamay nito. Paano magagawa ni Cordelia kung tutok na tutok ang atensyon niya kay Kael?
Kaya sa ika-limang gabi ng pagpili, ay pinlano niya na itutok ang atensyon sa prinsipe. Kailangang makapagsayaw sila ngayong gabi.
Pero ang isinasayaw pa rin nito ay si Cinderella. Pero aabangan lang niya ang prinsipe. Maghihintay lang siya.
"May nagawa ba akong mali?" sabi ni Kael, minsang nagpahinga siya sa pag-aabang na maisayaw ang prinsipe. Nagtungo siya sa mahabang mesa ng mga pagkain. Sinundan siya ng lalaki.
"Mali?" sabi niya, tumingin sa mesa, iniisip kung ano ang kukunin niya doon. Pilit na hindi pinapansin ang kakaibang epekto sa kanya ni Kael.
"Oo. Hindi mo ako nginingitian ngayong gabi."
"Kailangan ba lagi kitang ngitian?" tanong ni Cordelia, hindi pa rin tinititigan ang lalaki. Alam niyang kapag tumitig siya sa magagandang mata nito ay mawawala na naman sa isip niya ang totoong plano at baka makipag-usap na lang siya uli dito.
"Galit ka ba?" may pagdadamdam ang tinig ni Kael. "Bakit ganyan ka makipag-usap sa 'kin?"
Bumuntong-hininga si Cordelia. "Dahil hindi ko naman planong makipaglapit sa 'yo," sabi niya.
Pero ang masaklap, aaminin niyang napalapit talaga ang loob niya sa ilang gabi lang nilang pag-uusap.
"Cordelia?" tanong ni Kael. Humawak ito sa braso niya. Nagbuga siya ng hangin bago sinalubong ang titig ng lalaki.
"Hindi naman iyon ang plano. Hindi ko planong makipaglapit sa 'yo. Ang plano, mapaibig ko ang isa sa mga prinsipe."
"Hindi ka ba sumaya na napalapit ka sa 'kin?" sabi ni Kael, sa tinig nito ay para bang umaasa itong sasagot siya ng oo.
"Sumaya ako," pag-amin niya.
Nagkaroon ng kinang ang mga mata ni Kael.
"Pero mas masaya ako kung si Prince Charming ang napalapit sa 'kin. Dahil siya, siya ang prinsipe. Hindi ikaw. Isa ka lamang hamak na kanang kamay."
Nang marinig iyon ni Kael ay natigilan ito. Nakita niya na may sakit na gumuhit sa mga mata nito. Sinadya niya iyon. Sinadya niyang saktan ang damdamin nito para lumayo na ito sa kanya.
Lumunok si Kael, bago bitiwan ang braso niya. Parang nawalan ng buhay ang mga mata nito. Nang nakita niyang bahagyang pinangiliran ng luha ang mga mata ng lalaki ay biglang binalot ng konsensiya ang puso niya. At bigla ay labis niyang pinagsisihan ang mga sinabi niya rito.
"Kael... Kael, h-hindi ko dapat sinabi 'yon," pagbawi niya. "Sorry."
Tumango si Kael. Ngumiti nang matamlay. "Ayos lang," sabi niya, bahagyang nabasag ang tinig. "Sorry din. Ginulo ko ang plano mo."
Bago pa siya makasagot at tinalikuran na niya si Kael.
Napapikit si Cordelia. Bigla ang pagbigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay maiiyak siya. Pero pagbaling niya sa kaliwa ay nakita niyang naroon si Cassandra.
Tinapik nito ang braso niya. "Gawin mo kung ano ang plano," sabi nito.
Cordelia nodded. Ayaw niyang bumalik sa kaharian nila, makita ang kahirapan doon. Maging saksi sa bentahan ng laman, sa karahasan. Kailangan niyang makatakas sa impiyernong buhay doon at maging masaya sa piling ng isang prinsipe.
Hurting Kael was probably for the best. Even though right now, it didn't feel like it was the right thing to do. To be honest, it really hurt.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...