KINAGABIHAN, nanlalambot si Cordelia. Sobra siyang nilalamig kahit mainit naman ang panahon. Yakap yakap niya ang kanyang sarili.
Pabalik na siya sa silid niya para sana magpahinga kung hindi lang niya narinig ang tinig ni Kael.
"Cordelia!" he said. "May iuutos ako sa 'yo!"
Lumingon si Cordelia. Tumango na lang siya, hindi sinalubong ang titig nito. Nahihiya pa rin kasi siya rito.
Tila natigilan naman ito nang makita siya. Dumako ang kamay nito sa baba niya at itiningala siya nito para magtagpo ang mga mata nila. "Maputla ka, Cordelia."
Hindi siya nakapagsalita. Para kasing tuyong-tuyo ang loob ng bibig niya. Her throat ached, too.
Umangat ang isa pang kamay ni Kael at hinaplos nito ang leeg niya. "Napakainit mo!" sabi nito.
Dinala siya ni Kael kay Anton. Itinanong ng lalaki kung epekto pa rin ba iyon ng halaman na mula sa Vermuna. Kinumpirma naman iyon ni Anton. Isa raw iyon sa mga epekto ng halaman. Mataas na lagnat at panlalamig. Sobrang panlalamig na hindi masosolusyunan ng makakapal na kumot.
"Tanging init lang ng katawan ang papawi sa lamig na nararamdaman niya," sabi pa ni Anton. Malamig ang tinig nito. Sa totoo lang ay parang sinusungitan siya nito lalo. Hindi niya lang matukoy kung bakit. "Ganyan talaga ang epekto ng halamang iyon, wala kang magagawa."
Hindi na lang nagsalita si Cordelia. Niyakap niya ang sarili, dahil tingin niya ay wala namang gagawa niyon para sa kanya. Takot siyang manghingi ng "init ng katawan" o yakap sa ibang lalaki sa palasyo. Ayaw niyang samantalahin siya ng mga iyon. Kapag si Anton naman ang pinakiusapan niya, baka magtitili lang ito.
"Pumunta tayo sa silid ko," sabi ni Kael. "Mayroon akong gamot doon."
Tumango si Cordelia. Nagpauna na sa paglalakad ang lalaki kaya sumunod na lang siya dito. Pagpasok nila sa silid ni Kael ay nagtungo agad ang lalaki sa aparador sa kama nito. Naroon ang libro na isinulat ng namayapang ina nito na tungkol sa mga gamot.
May gamot din doon at kumuha si Kael para ibigay sa kanya. Agad-agad niyang ininom iyon.
Agad din namang nawala ang sakit ng ulo niya at panunuyo ng lalamunan niya. But she still felt cold.
"Babalik na ako sa silid ko," sabi ni Cordelia. Tumalikod na siya rito kung hindi lang niya naramdaman ang mainit na kamay nitong humawak sa braso niya. Nilingon niya ito.
"You will sleep here," he said. "You need some body heat."
Napaawang ang mga labi ni Cordelia. Seryoso ba ito sa sinabu nito? Ibibigay nito ang kailangan niya? Pero alam na nito na itinatangi niya ito. Gusto pa rin ba nitong yakapin siya? "Pero baka--"
"You will stay here, that's my order," he said. Pinakatitigan siya nito, umangat ang isang kilay. "At hindi mo ko puwedeng suwayin, 'di ba?"
Tumango na lang si Cordelia. Inalalayan siya nito sa kama. Ihiniga siya nito nang maayos doon. Pinatay muna nito ang ilaw bago umikot sa kabilang panig ng kama. Hindi rin nagtagal ay naramdaman niya ang paglundo ng kama. Kasunod niyon ay ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanya.
"Malayo ka," he said.
At hinila siya nito palapit, papasok sa bisig nito. Halos nakadikit na ang dibdib niya sa dibdib nito. Ang mukha niya ay malapit na sa leeg nito. She could smell him and it gave her comfort. She instantly felt warm.
Naglakas-loob siyang mag-angat ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nila. Sa dilim ng silid, ang mga mata nito ay mistulang mga kristal.
Alam mo nang itinatangi kita... wala ka bang sasabihin?
"Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Kael. May pag-aalala siyang naramdaman sa tinig nito.
Ngumiti siya, gustong ipagsiksikan pang lalo ang sarili sa lalaki. "Sabi ko sa 'yo, eh."
Napakurap ito.
"Mabuti kang tao," she said.
Hindi nakapagsalita si Kael. Ilang segundo ding nagtititigan sila, hindi maghiwalay ang mga mata nila. Nararamdaman niya sa dibdib niya ang pagtibok ng puso nito.
"Kung ano man ang naging kasalanan naming mga mangkukulam sa 'yo..." Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. "Sana makalimutan mo na."
"Masyado kang maraming sinasabi," wika ni Kael, tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa pisngi nito. "You should sleep. Marami pa akong iuutos sa 'yo bukas."
Akmang ipipikit na ni Cordelia ang mga mata niya kung hindi lang naramdaman niya ang pagtibok-tibok ng kanyang mukha. Alam niyang babalik siya sa kanyang anyong mangkukulam, kaya itinulak niya si Kael palayo sa kanya.
"Ano ba'ng--" Natigil si Kael nang makita ang nangyayari sa kanya.
Lumapad na muli ang katawan niya. Naramdaman na naman niya na tila nababanat ang ilong niya na parang goma, at gumalaw-galaw ang mga ngipin niya para magmukhang iba-iba ng direksyon ng pagtubo.
Nakatingin siya kay Kael na parang gusto niyang humingi ng tawad dito. "Pasensiya na, Kael. Aalis na lang ako--"
Napailing si Kael. Hindi na nagsalita, hinila na lang siya papasok muli sa bisig nito.
"Kael, nasa anyo akong mangkukulam--"
Wala uling sinabi ang binata. Marahan lang siyang isinubsob sa dibdib nito.
"Kael..."
"Sssshhh.." he said. Then he squeezed her tighter. "You need me right now."
Hindi na nagsalita si Cordelia. Pakiramdam niya ay maiiyak siya pero baka magalit uli si Kael kapag ginawa niya iyon.
Niyakap siya ni Kael kahit sa anyong mangkukulam niya... masyado siyang natuwa na hindi rin niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Wala itong sinabi, hindi siya nito pinigilan. Hinayaan siya nito.
"Go ahead and sleep," he whispered on her ear, when he felt that she was not sleeping.
And she did. She slept in her arms and she found herself wishing that the moon would stay in the sky for a very long time.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...